1

17K 178 9
                                    

AN: May nagbabasa pa ba nito? Pacomment naman o :) SALAMAT!


Summer. Hindi ako 'yung tipong mahilig maggagala pag ganitong mainit. -__- Hindi rin naman ako mahilig magswimming sa mga beach dahil pakiramdam ko madumi. Hayy ewan ba! Di naman ako maarte pero--

*beep* 1 new message: SPONGEBOB

I love you. :-*

Agad naman akong nagreply syempre!

I love you too! :-*

Aba't sino nga ba si Spongebob? Ehh yun lang naman ang Ka-on kong cute! Hilig hilig kasi sa spongebob at nung una kong nakilala 'yon, "Spongebob" pa ang pakilala niyang pangalan niya!

Pero sino mula pala ako? Hmm ako si Samantha Mercado. 14 years old palang ako at oo alam kong bata pa'ko para magkaroon ng ka-relasyon. Responsable naman akong tao pero may pagkaloko-loko din na hindi alam ng nakakarami. 5"2 lang height at maiksi lang buhok ko. Medyo chubby din ako. Hindi ako tibo, nagkataon lang na babae pala ang naka-on ko. Paano?

*flashback*

Pumunta ako kina Lienne na aking best friend! Kaka-close lang namin. E kasi naman noong nagkaroon ng Recollection sa school naming nung first year, hindi na kami nagattend at noong bago magbakasyon, lahat ng hindi nagattend kailangan mag Outreach sa Bundok! Ayon nakasama ko siya at narealize kong match na match ang aming pagkaloka-loka. Oh balik sa istorya!

"Lienne!" Sigaw ko with matching talbog sa seat ko sa kanilang kubo. Rich kid kasi 'to e. Piesta nila kaya eto ako nakikain. Hihihi.

 

"In-love na yata ako kay Daniel!" Bulalas ko nanaman. Excited e!?

 

"Ba sino 'yon!? Patingin ako!" Yung totoo? Mas excited sa'kin? Hahaha ehh ganun kasi talaga 'to, mahilig sa chismis at mahilig makinig sa mga tao, "good listener" nga daw.

Nilabas ko naman phone ko at ipinakita 'yung mga messages ni Daniel. Actually kase, nakitext si Lienne sakin dati at feel ko yung Daniel na katext ko, 'yun yung tinetext niya dati kaya nagtataka ako bat parang 'di niya kilala.

 

Sumimangot naman siya at sabe.. "Sam, may sasabihin ako, wait.." Hala? Ano?! BF niya ba si Daniel!? Ano!? Nilabas niya 'yung phone niya at para bang may hinahanap.

 

Kabadong kabado naman ako, "Uy ano?"

 

"Familiar 'yung number. Di ba 'yan 'yung tinext ko dati?" At ayun nga tumigil na siya sa pagkalikot ng phone niya.

 

 Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin, "Hindi naman yan yung Daniel na sinasabi mo. Babae yan, yan yung tinext ko. Matanda ng one year satin.. Pangalan niya... "CAM"."

*END OF FLASHBACK*

Boom! Siguro naiimagine niyo naman kung gaano ako nagulat diba?! Na-fall ako sa babaeng tulad ko. Pero pinagusapan namin 'yun ni Daniel, ay, ni Cam at umamin naman siya. Napagtripan lang daw niyang magpanggap at nung nagustohan niya ako, natakot na siyang umamin kaya okay na din na nalaman ko na. Pinsan niya daw 'yung Daniel pero ginamit niya lang 'yung pangalan. Since wala na akong magagawa, pinatawad ko na siya, mahal ko na e. Matapos ang ilang linggo, May 2 ng gabi, naging kami na rin. *kilig*

*******

Ngayon, isa nanamang napaka init at napaka boring na araw ng summer. Nakadapa lang ako sa kama at katext si Cam. Nagswimming kasi sila ng mga kaklase niya kahapon kaya nakikibalita ako sa mga kwento niya. Kaso bigla 'di na nagreply. 'Yun pala nag-compose ng GM, 'yung tipong may pangalan tapos may kanya-kanyang mensahe sa kanila? May **TWO<3 pa nga sa baba na nagpakilig naman sa'kin. Nung binasa ko ulit, may nakita akong pangalan, "Jam" daw. E malapit sa Sam kaya baka typo o ano, hindi ko kasi kilala e. -__- Nagtext ako.

Sinong Jam, baby? :)

*beep* 1 new message:

Classmate ko nung second year. Magkamukha daw kami sabi nila. :)

Magkamukha!? Hala gusto ko silang makita! Gusto kong akong magjudge kung magkamukha nga sila. Pero parang ang cool naman ng name niya, "Jam"..

*******

Ang bilis! June na nga! Okay na okay kami ni Cam at excited ko na siyang makita! Pati nga yung Jam gusto kong makita e. Sinearch ko pa nga siya sa 'Friendster' pero di ko naman makita. Excited tuloy ako pumasok!

*******

May pasok na weeeeeeeh! Nalipat ako ng section pero kasama ko sina Lienne at Liz na classmates ko nung first year. Second section lang kasi kami dati, ngayon eto nag-first na. Newcomer ako sa school ko ngayong High School kaya panibagong pag-aadjust nanaman niyan.

Since first day palang at puro pagpapakilala, agad kaming nadismiss.

Kasabay ko namang naglalakad si Lienne at dumaan kami sa kabilang building ng school. May shortcut kasi 'dun at mas maliit 'yung apakan ng stairs kaya di nakakapagod. Wahaha.

"Sam, washroom tayo no?" Bago pa man ako makasagot papasok na siya ng washroom, eh ano pabang magagawa ko? Hahahaha!

Bigla, may lumabas na maliit na babae mula sa washroom na may kasamang maliit din na babaeng isa pa. Alam ko 'di naman ganun kaliit si Cam pero 'bat parang siya 'yun? Eh sa second floor naman room niya ng old building at may washroom doon bat kailangan dito pa siya? Tatanungin ko nalang si Lienne! 'Di ko pa naman kasi nakikita talaga si Cam e, nung first year nakikita lang minsan pero 'di ko kilala.

"Lienne.. Si Cam ba-" Ay oo nga pala nasa loob siya. Ayun ako nakatayo lang sa labas at konti nalang mapanga-nga na nang may na-realize ako..

Kalabas ni Lienne napansin niya namang mukha akong batang gulong-gulo, "Oy Sam okay ka lang?" Sabi naman nitong best friend kong may Oy pa talaga, nakatingin din siya sa direksyon ng tingin ko.

"Lienne, tingin ko si jam 'yon.." Nakwento ko na kasi 'yung misteryosong tao na 'yun e. Oh hulaan niyo anong ginawa ni Lienne ngayon?

"JAAAAAAAAAAAAAAM!" Sigaw ng loka-loka. Nabigla naman ako at nahatak siya patakbo pababa ng stairs. Pero nung lumingon ako habang nakatago, nakita kong tumingin 'yung maliit na babae (A/N tangkad mo ha?). Siya nga.. Si Jam..

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon