21

742 10 0
                                    

Pauwi pa rin ako ngayon.. Hay.. Dati pag bababa ako ng unang jeep na sinakyan ko, itetext ko na si Jam para sabihan siya na mag-ingat.. Ngayon, hindi na pwede. Hindi niya na rin ako matetext..

Aaminin ko, hindi si Cam ang unang babaeng minahal ko. Noong Grade 6 pa lang ako, nagmahal na rin ako ng babae.. Akala ko 'yun lang 'yun at sinubukan ko namang pigilan.. Kaso dumating si Cam at nang akala kong nakapagbago na ako, babae rin pala siya. Ngayon, kay Jam, hindi ako nakakaramdam ng anumang alinlangan na mahalin siya kung dahil lang sa pareho kami ng kasarian.. Kaso hindi ko na nga kaya. Ano ba 'yan! Naiiyak ako!

*WOOOOOOSH* (ulan yan-.-)

Bumuhos pa ang ulan! Nakikisimpatya talaga 'yung panahon sa nararamdaman ko..

"Para po!" Sigaw ko nang masilayan ko na 'yung kanto namin. Tsk. Wala pa man din akong payong!

Buti nalang may wheeler, eh napakadalang lang samin 'to, "Kuya! Pasakay!"

Eto, emote emote lang.. Wahhh mamimiss ko siya paano na-

*BEEP! 1 new message:

 

"Thanks sa time Bulky! Nakauwi na ako, ikaw? Wag kana malungkot.."

 

(O_____O) Ba't natetext niya pa rin ako!? Memorize niya ba number ko?! Nahingi na ba niya sa iba!? Naku naman! F-A-I-L!

Kinakabahan akong nagtype ng reply,

"Ba?? Dinelete ko na number ko sa phone mo! Ba't natetext mo'ko!?"

 

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiiyak o ano. Nakakatanga naman 'to!

*BEEP! 1 new message:

"Ows?o.o Hindi naman nawala eh.."

 

At eto nga, nakauwi na ako.. Medyo nga-nga. Hayy nevermind, so hindi ho umubra ang unang plano.. Edi kasi itext niya ako! Hindi nalang ako magrereply masyado para masanay na! Basta magmo-move on na ako!

******

Galing kami ng school nito at magkakasama kami ng Girls ko sa SM. Wala kasing training ng Basketball ngayon kaya naisipan naming kumain dito.

"Si Cam pa ba tsaka si Trish?" Tanong ni Lienne sa'min.

Napaisip naman ako, oo nga no.. Madalang ko nalang sila makitang magkasama..

 

 

Sumagot naman si Liz, "Tingin ko hindi."

Napatigil naman kami sa sinabi niya, hindi naman kasi siya mahilig magsalita tungkol sa mga usapang ganyan. Bait kasi nito eh, hihihi.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon