14

838 10 0
                                    

SAM’S POV (As usual)

Lunch time na namin ngayon at kanina nga na-elect akong president. Naglalakad na kami nila Lienne at Liz papuntang canteen.

“Hoy Sam!” May tumawag sakin at binroadcast ang pangalan ko.

Tumalikod naman ako para makita ang aking caller, “Yeah?!” Si Shaw pala ang tumawag sakin, ‘yung kaklase namin nung second year, president namin ‘nun.

“Ang sakit! Huhuhuhu!” Hala! Nagdrama siya! Lalaki siya ha guys. Napano nanaman!

“Oh Shaw anyare sayo?” Pag-aalala ko, pero natatawa talaga kami eh. Hahaha.

“Kasi naman! Pinalitan mo na ako! Wahhhh congrats!” Pasigaw na paiyak niyang sabi.

“Hahahaha! Shaw talaga, salamat! Alagaan ko mga iniwan mo!” Eh ‘di naman ‘to big deal sa akin pero bakit ganito. In fairness, ang sarap sa pakiramdam.

Aalis na dapat kami nang may pahabol pa siya, “Dapat lang!”

Natawa naman kami at nagtuloy-tuloy nalang sa canteen, gutom na Samsam.

******

Lumilipas lang ang mga araw at hindi na ako ganoon ka-attached kay Jam. Bakit? Ang busy naman kasi, tsaka dahil nga tinatago kong siya pa rin ang gusto ko, naisip ko, baka ngayong busy ako, magkatotoo na ‘yon. Umaga ngayon at Wednesday kaya naman magno-novena daw kami.

“Who wants to lead the Novena?” Tanong ni Miss D. Wala namang nagvolunteer kaya..

“Ako nalang po!” Sabi ko naman, nagpapalakas pa ako eh, para may tiwala.

Napangiti naman si Adviser na para bang natuwa sa pagvolunteer ko. Nag novena na kami at ako nga ang nag lead.

Matapos ang prayer, nagsasalita nanaman si Miss D.

“So about our room, do you guys want to decorate it again or just leave it be?” Kasi may bulletin board na malaki sa likod ng room at nakadesign ‘yun, dapat may logo ng school, may vision and mission, may birthday corner at kung ano-ano pang kailangan at gusto nilang makita sa loob ng room.

Napatingin naman ako sa likod at nakita kong maganda pa naman ang pagkakadesign nang klase nila Cam noon. Kaso mas nababagay ‘yung theme sa kanila eh, ‘yung klase kasi namin medyo mas masigla kumpara sa batch nila.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon