2

5.5K 65 3
                                    

 ******

Nung nakababa na kami napasigaw naman ako, “Siya nga! Hahahaha!” Parang tanga lang no? Nakakahiya na nga kame tatawa pa ako. “PERO BAKIT MO GINAWA ‘YON!?”

Tumawa lang din si Lienne. Hala may saltik yata ‘to. Ay okay lang!

******

Matapos nung araw na ‘yon, madalas ko nang makita si Jam. Ganun daw talaga e? Once na nakilala mo ‘yung isang taong bago, lagi mo nang mapapansin na lagi mo na siyang nakikita. Ayon tuloy tuloy lang ang mga school days at wala naman masyadong nangyayari.

Friday ngayon at after class, niyaya ako ng mga kaibigan ni Cam manuod ng cine. Syempre kasama rin siya kaya pumayag ako. Pumayag naman ako at nalaman kong Eclipse pala ang papanuorin namin at kasama pala yung mga kaklase nila ngayon at noong second year.

Kasama ko nito si Cam sa cine at ayun holding hands kami! Nakatayo kami kasi naman puno na pala yung mga upuan. Mamaya nalang daw kami uupo kasi patapos na din ‘yung isang viewing.

“Okay lang naman kahit dito nalang tayo hangga mamaya,” Pacute ko sakanya. “Basta kasama kita, okay lang. Isa pa, monthsary natin ngayon.” July na kasi ngayon, two months na kami. :”>

Nung patapos na ‘yung movie may nagtext sa kanya.

*beep* 1 new message:

Umalis na ‘yung iba, akyat na kayo dito. :)

Text ‘yun nung kabarkada niya. Umakyat nga kami at oo nga, ang dami nga nilang kasama. Kaso.. Nandito pala si Jam! Hala naman kasi, crush ko na yata siya e? Lagi kong naiisip ‘yung maliit na ‘yun at kahawig niya kasi talaga si Cam ko. Huhuhu.

Nung nagstart na ‘yung movie, nagfocus nalang ako sa plot kasi naman fan na fan ako ng story na’to dahil magkakampi ‘yung mga vampires at werewolves! Isa pa, nabasa ko na kasi yung 4 books e. Napapatingin ako kay Jam at ayun parang si Cam lang din nakikita ko! Madilim paman din. Yung mga katabi naman naming barkada ni Cam inis na inis kay Bella.

“Yihhh Bella! Landi mo talaga!” Sigaw nung barkada niya. Hala ingay nila. Hahaha.

“Bellandi! Ewww!” Nakakatuwa naman yung mga kaibigan ni Cam. Kaya nga ka-close ko din tong mga ‘to e. Lalo na ‘yung isa, si Ate Eli, ex kasi siya ng pinsan ko.

Nung matapos ‘yung movie, nagpunta muna kami sa washroom. Apat na lang pala kasi kaming naiwan, ako, si Cam, si Eli at si Jam. Kadating namin sa exit ng mall, nagpaalam na kami at hindi man lang ako tinignan ni Jam. Sa bagay, nakakahiya, baka alam niyang kami ni Lienne ‘yung nagdeclare ng pangalan niya nung isang araw. Huhu.

Hinatid ko pa si Cam sa kanila kahit napalayo pa’ko sa uuwian ko. Kauwi ko, inadd ko na si Jam at minessage siya sa ‘Facebook’ na kasi.

Good eve! Musta? Sorry kung naiirita ka na sa’kin. Ayun, see you around! :)

Feel na feel ko kasi naiinis siya dahil tawagin ba naman siya ni Lienne sabay tago kami. -_-

Matapos nung minessage ko niya, madalas ko na din siyang kulitin sa chat. Ewan ko ba bakit masyado akong nahumaling sa maliit na ‘yun. ‘Di niyo pa alam itsura niya no? Mamaya sasabihin ko din. Hahaha.

Sa school, madalas kong puntahan si Cam pag break at pagka dismissal, kung ayaw niya akong sumabay sa service ay ihahatid ko naman siya sa kanila. Kaso, minemessage ko pa din madalas si Jam, minsan nga nagrereply na siya kaso halatang naiirita, ang dry kasi. Actually, hinihingi ko nga yung number niya sa kanya mismo pati kay Cam! Sabi ko gusto ko maging friend kaso nagselos yata yung baby ko kaya iniwasan na namin ‘yun.

******

Patapos nanaman ang July niyan at nagbirthday na din ang baby ko. Nanuod kami ng Sorcerer’s Apprentice kasama din yung barkada niya.

Ngayon, nadismiss na kami at pinuntahan ko na si Cam sa room niya. Dahil nga nasa first section ako at pati na rin siya, hanggang 5pm kami dahil may advanced class kami kumpara sa ibang sections na hanggang 4 lang. Konti nalang yung mga estudyante sa school non at kanina pang 4, sinabi na ni Cam na sabay nalang daw kami umuwi para hindi na maghintay ang service.

Nung nasa jeep na kami..

"Saaaaaaaam, pahawak ng mga gamit ko, aayusin ko lang bag ko.” Binigay niya phone niya pati panyo sa’kin. May naisip naman ako, ‘malamang may number siya ni Jam…’

 

Bago pa man ako makapagisip ng iba pa sabi ko kay Cam, “By, check ko lang inbox mo huh? Baka kasi may iba kanang katext na diko alam.” Ngumiti lang ako at medyo kinakabahan. ‘Di naman kasi ako yung tipong nagchecheck pati ng phone niya eh, baka magtaka.

Busy naman siyang nag-aayos ng gamit kaya sabi nalang niya, “Sure, go.”

Agad-agad pumunta na ako sa contacts niya at nakita ko nga ang pangalan ni Jam. Since magaling ako sa memorization HAHAHAHA minemorize ko ‘yung number para ‘di halata. ‘0927853…’

Natapos na pala ‘yung jeep-ride at tinatawag na ako ni Cam,

“Sam! Gamit ko? Lalakad na tayo.” Inabot ko na sa kanya mga gamit niya at nilakad na siya sa tapat ng bahay nila. Matapos ko siyang yakapin at i-kiss sa pisngi, nag-abang nako ng panibagong jeep para umuwi. Itetext ko na ba siya? :)

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon