37

722 12 0
                                    

******

February 2012.

(SAM: Basta kwento nalang ako ha? Wala kaming pics ni Jam sa laptop masyado kaya random nalang.. Pictures kami namin basis ko sa order ng dates. Wala pala masyado ng Feb. :>)

Napagpasyahan kong humabol sa Student Council bilang Treasurer. Guess what? Nanalo ako. Si Gian ang president, 'yung vice ko sa klase.

February 2, 2012.

Pumunta kami sa venue ng Prom para icheck lahat ng kailangan at para makapag rehearse sa passing of obligations. Dapat magkikita kami ni Jam matapos nun, kaso nagkita nalang kami ni Ate matapos ang visit sa venue, bibili daw ako ng clutch bag para bukas.

February 3, 2012.

PROM NIGHT.

Wala naman ako masyadong maikukwento sa nangyari ngayon. Masaya ako dahil sa mga kaibigan ko. Hindi ko naisayaw si Jam.. Dahil nahihiya siya. May isang moment na nakuha ko siya, tapos katalikod ko lang ng ilang sandal, may nag-aya na sa kanya. Naghintay ako, tapos sabi niya nahihiya nga daw siya. Iniwan ko siya doon at nakisayaw kay Cam. Ang saya ko, kase walang pakialam si Cam sa sasabihin ng iba. First dance ko nu'n, si Jon. Hanggang sa nakauwi ako hindi kami okay ni Jam.

February 6, 2012.

Matapos ang mga pinagdaanan namin nun. Lalo lang kami tumibay ni Jam. Bigla nalang nag okay, at thankful ako dun. Dismissal time na nga nito.

*Beep! 1 new message:

"Sam, nakina Lola mo ako ha? May dala ka bang susi? 'Di ko alam kung nandiyan sina Ate mo, text mo nalang. Love you!"

Nakatayo kami ngayon ni Jam sa may terminal ng jeep sa bandang palengke.

Napatingin naman ako sa kanya. Naka "warrior" face siya HAHA. Para kasing nakikipagbakbakan dito para lang makasakay sa jeep! Kaya nga napaka seryoso niya para maisakay na niya ako se jeep. 'Di naman siya sasama ngayon eh. Hmm..

"Uy By, wala daw si Mama sa bahay. Gusto mo pumunta?" Tanong ko sa kanya. Ay, wholesome po ako! Mahiyain lang talaga siya na pumunta sa bahay na andun sila Mama kaya nga baka gusto niya mabisita du'n ngayon.

Nagliwanag naman 'yung warrior face niya, "Talaga? Tara!" Lalo na siya naging desidido na makasakay na kami sa jeep. Kaya naman ipinagsiksik niya ang maliit niyang badeh tsaka kinuha 'yung kamay ko. Hihi. Wala na kasi siyang dalang bag dahil umuwi na siya kanina, diba nga hangga 5PM ako.

"Bradaah, sistaah, are you home?"

Text ko naman kina Ate nang makaupo na kami sa pampublikong bihikulo na ito.

"Nasaan daw sina Mama?" Pag iinquire ng Baby ko sa akin. ;p

"Nakina Lola daw by, ewan lang kung sina Ate nasa bahay."

Nanlaki naman 'yung mga mata niya, ayaw yata talaga makiharap sa pamilya ko. -.-

Tumawa naman ako at narinig na may nagtext sa akin, "Okay lang 'yan Baby."

"WHY?" Ay. Si Kuya 'yun. Whatever. HAHA. 'Di nako nagreply, mukhang walang silbi 'tong kuya kong 'to for now. -___-

Bumaba na kami sa kanto at halatang kinakabahan si Jam.

"Ayee pupunta na siya sa amin.." Kahit naman nakapunta na ako sa kanila, iba padin samin dahil alam ng pamilya ko. Though wala naman yatang tao. ;p

Maya-maya nakita ko si Kuya na mukhang galing sa bahay. Naku.

"Uy.." Bulong ni Jam sa'kin.

Nilakihan ko ng mata si Kuya na nakatitig sa'min ngayon, "Ano? Punta kami sa bahay. Patulong ako assignment eh?"

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon