19

735 13 0
                                    

Monday! Aroo sa Thursday na birthday ni liit! As usual, nagreready lang ako ng gifts at masentimentong bagay for her. Sabi samin na mula today, busy na niyan ang lahat dahil sa September na nga ang Intrams namin.

Nasa school ako ngayon at wala rin ‘yung subject teacher namin.

“Tol! Anong sasalihan nating event?” Tanong ni Lienne habang umupo sa arm rest ng chair ko.

“Ba ano pa ba? Edi Futsal!” Tinatanong paba ‘yun? Naging champion palang kami last year diba?

“Eh wa—“

“Wala na daw Futsal.” Putol naman ni Trish sa kanya. Pero.. HA!?

“Ba! Bat wala na!? ‘Yun kaya pinakamasayang sport na inaabangan ng mga students! Pati teachers!” Reklamo ko naman at napatayo ako sa kinauupuan ko at muntik pang mahulog si Lienne.

“Kulang daw kasi mga coach eh.” Sagot naman ni Lienne, alam na pala niya kaya tinatanong niya pala ako.

“Aw!? Hanap tayo! Kahit tayo-tayo lang!” Huhuhu hindi pwede! Pinaka-aabangan ko ‘yun eh!

Magrereklamo pa sana ako kaso bigla na dumating ‘yung PE teacher naming late dahil busy nga raw sa pagpaplano for the Intrams. Nagsiupo na kami sa mga totoong lugar namin at inis na inis pa rin kami.

“Okay class,” Panimula ng teacher namin, “I’m bringing the list of events here and you need to sign up your name, this must be done within the day. Sam, take charge.”

Awww. Ako na nga ‘tong mababa ang spirits ngayon, ako pa bahala. Huhuhu no!

Pero syempre tumango nalang ako sa kanya at tumayo para kunin ang mga listahan at..

WALA NGANG PAPEL PARA SA FUTSAL.

Uupo na sana ako pero hindi ko napigilan, umikot ako ulit.

“Miss! Bakit wala na pong Futsal?” Nagpout pa ako sa kanya, alam naman kasi niyang Futsal talaga gusto namin sa klase. Kahit kasi ‘yung mga boys sa klase namin, Futsal ang gusto.

“Hayy, kasi naman kulang na daw ang mga Coach para sa sports dahil busy lahat sa planning. Anyway, try niyo kausapin ‘yung coach niyo dati o ‘yung coach ng mga Juniors last year.” Pag-eexplain naman niya. Nakapout pa rin akong naupo sa aking lugar at nginitian nalang ako nila Lienne.

******

Ngayong lunch break, ipinasa ko muna sa mga classmates ko ‘yung listahan para makapagdecide na sila, within the day daw eh.

“Ano na niyan sasalihan natin?” Tanong nanaman ni Lienne, pero kausap niya ay ang buong barkada.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon