38

773 9 0
                                    

Late February 2012.

Nakipag cool-off na naman ako kay Jam. Bakit? Una, kase lagi nalang kami nagaaway. Pangalawa, busy na kami para sa mga final requirements. Cool-off lang naman, actually nagpapamiss lang ako.

Nasa Mcdo ako ngayon, umaga na maaga. Haha. Meeting place kasi naman 'to, pupunta kami sa bahay ng kaklase ko para sa isang shooting. Naka Superman shirt ako ngayon.. Kahit na hindi kami bati ni Jam, suot ko 'tong shirt na bigay niya sa akin. HEHEHE Eh wala, mahal ko.

"Tol! Nasa Mcdo rin si Jam eh?" Bungad ni Lienne sa akin kadating rin niya ng Mcdo. Nasa may bandang likod kasi kami kaya baka 'di ko napansin dumating si Jam.

Hindi ko man alam na may lakad siya, 'di niya rin alam na nandito ako. Kainis 'yung ganito!

"Sige Tol salamat." Tumayo ako kinuha ang wallet ko, oorder ako! Hindi ko siya titignan ha, oorder lang talaga ako.

Naglakad na ako papunta sa may counter nang makita ko siya. Aju.. Ang ganda *O* Yih ang hirap naman ng ganito oh? Mag dadalawang araw palang kaming cool-off tapos miss na miss ko na siya.

Nilapitan ko na siya, eh 'di ko po mapigilan eh..

Nagulat naman siya nang lapitan ko siya. Buti naman at naka pants siya, kung naka shorts baka nagalit naman ako. HAHAHA. Napatayo naman siya.

Hinawakan ko siya sa may kamay, "Ingat ka ha? Bati na tayo, sorry na.." Bulong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at tumango. Umalis na sila nun maya-maya at ayun, okay na kami. Nagkatext na ulit. HAHAHA. Ganyan lang talaga kami e.

February 28, 2012. (Nakalimutan ko ikabit sa last update)

Last day na ng Feb bukas. Oo, leap year eh. Usapan ng barkada na wag ng pumasok ngayon, wala naman kasing gagawin. Usapan din na pupunta kami kina Trish kaso sa pagkakaalam ko, hindi matutuloy. Pero si Jam walang pasok. Magkachat kami sa Facebook noon.

"Walang tao sa bahay, gusto mo pumunta?" Tanong niya sa akin. Again, wala kaming masamang balak. Hahaha. Talagang nakakahiya lang magpunta doon kung nandun ang pamilya niya. Isa pa, talagang walang tao maliban sa kanya dahil may pasok ang mga Kuya niya at nasa trabaho ang parents niya.

Since gusto ko nga pumunta, nagpaalam ako kay Mama na magkikita kami ng Girls ko. Nakakahiya namang sabihin na kina Jam ako pupunta eh.. HEHEHE sorry I lied.

"Sige, ligo na ako."

 

Matapos maligo, nagbihis na ako agad. Hoodie na gray at medyo long shorts. Bagong gupit nanaman ako. Pero hindi na ganun kaiksi, nag insist kasi si Mama na gusto niya padin ako magmukhang babae. Eh gusto pa man din ni Jam na maiksi ang buhok ko, kaya eto, sinunod ko nalang ang isang gusto ni Jam. So naka side bangs ako at medyo pa-shoulder length na buhok. -__-

Nang makasakay ako ng jeep, naisipan kong baka may gusto siyang ipabili.

"Baby, may gusto ka pagdala?"

 

Eh naliligo siya nun kaya nakuha ko nang makarating sa Palengke hindi pa din siya nagtext. Hindi naman ako dapat dito bababa kaso naisipan ko nalang siya ibili ng cheeseburger sa Mcdo. :)

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon