45

862 11 0
                                    

******

Kahit ano pa ang mga hindi magandang pinagdaanan natin, kaya kong kalimutan mga 'yon dahil ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw lang. Mahal na mahal kita. :)

..

 

...

 

....

 

.....

 

October 12.

Oo, okay na kami ng princesa ko. :) Lubos lubos ang pasasalamat ko na hindi niya ako sinukuan, na naniwala siyang siya lang mahal ko. 'Yun naman ang totoo eh, wala namang makapagbabago ng nararamdaman ko para sakanya.

Twelve nanaman! Parang kailan lang na isang taon na ang nakalipas nang unang beses naming i-celebrate ang first monthsary namin. Hanggang ngayon, suot namin ang mga singsing na simbulo na pagmamay-ari namin ang isa't isa. Madaming beses na nawala't namisplace namin ang mga 'to, madaming beses na kailangan itago pag may taong posibleng makahalata, gayunpaman, nananatiling matibay ang mga 'to- tulad namin.

"By sa'n tayo pupunta? Sawa nako sa mall eh." Sabi ko sa kanya habang pasakay siya sa wheeler at hinihintay ko siyang makaupo.

Biyernes na ngayon at hinintay niya pa ako mula sa Club Meeting na dinaluhan ko na maaga namang natapos dahil halos wala mang dapat pag-usapan.

Naupo na kaming dalawa sa wheeler at hinawakan ko ang kamay niya.

"Gusto mo pumunta samin? Kaso nandun sina Mama ah." Suggestion naman niya habang inaayos 'yung buhok ko na ngayo'y humaba na. :(

Napangiti naman ako ng malaki, "Oo syempre! Tara!"

Tumango naman siya at ngumiti din, tapos dumungaw sa labas, "Kuya, sa unang street po no."

***

"Hi Tita! Mano po." Saktong nasa sala kasi si Mama niya nang pumasok kami sa bahay.

Nginitian ako ng Mama niya, "Oh Jam, du'n kayo sa kwarto." Sabi pa niya kay Jam.

Natawa naman ako sa isip ko. Nako, kung alam niyo lang pong girlfriend ko ang anak niyo, baka hindi niyo man po ako papasukin doon.

Kapasok namin, agad namang nilock ni Jam ang pinto. Naupo ako du'n sa may upuan at tulad ng nakagawian, umupo siya sa lap ko nang nakaharap sakin.

"Happy 12!" Bati niya, sabay halik sa noo ko.

"Para pong matanda ang kiniss! Isa pa po!"

Hahaha. Syempre, magrereklamo ako. Pero ang sweet kaya ng forehead kisses :">

"Sus." Kiniss niya ako sa labi at syempre gumanti din ako ng halik.

*TOKTOKTOK*

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon