9

1.2K 13 0
                                    

SAM’S POV

 

Nasa mall na ako nito, hinihintay si Cam. Nakakaexcite naman! Mula kasi nung nagkasama kami noong practice for Recog., hindi pa kami nagkikita. Nakaupo lang ako sa food court dahil ang tagal..

“Tol, nasa mall kayo diba? Puntahan naman!”

 

 

Text ko kay Lienne. Alam ko kasi may date sila ni Kuya Ken ngayon.

*BEEP! 1 new message:

“Sige tol! San kaba?”

 

Sinabi ko ang lokasyon ko at maya maya..

“Tol! Loner ha!” Lakas makasigaw! Medyo wala kasing hiya ‘to. Hehehe.

Nag-hi naman ako kay Kuya Ken.

“Tol!” Sigaw nanaman niya. “Tignan mo shirt niya!” Turo niya sa suot ni Kuya Ken. Tinignan ko naman at natawa. Medyo hindi kasi wholesome ang statement shirt niya. Napaka inosente pa man din nitong manliligaw niyang ‘to kaya nakakashock na ganyan ‘yung suot.

“Hahahaha! Kuya Ken, naggaganyan ka pala!?” ‘Di ko nalang sasabihin kung ano ha. Hahahaha.

Nahihiya na tuloy siya pero sabi, “Hindi ko naman napansin na ganito nakalagay. Basta maganda naman kasing tignan..”

Lalo naman akong natawa, masyadong inosente ang dating ihh.

“Nako tol, pupunta pa man din siya sa bahay namin niyan at baka makita nila Momsie, anong isipin. Kaya bibili na muna kami ng pamalit niya ‘no!?” Paalam ni Lienne. Buti naman pala magpapalit siya. Hahaha.

Sakto naman at dumating na si Cam at ayun siya.. Suot ang signature-porma niya-  polo shirt, jeans and chucks. Napangiti naman ako nang lapitan ko na siya, ang bango kasi. Lagi naman! Syempre mabango ako kaya mahilig talaga ako sa mababango! Hihi.

“Kain tayo?” Tanong ko naman. Before lunch pa naman ang oras pero dahil yayayain ko siyang manuod ng cine, baka gusto niyang kumain muna.

Tinignan naman niya ako at nangiti. Maiksi pa din buhok ko ngayon pero alam ko gusto niya mahaba ‘to. Naka simpleng shirt, jeans at shoes lang ako. Madalas kasi hindi naman ako bonggang manamit.

“Busog pa’ko, nuod muna tayo.” Sagot naman niya. Alam naman kasi niya talaga ‘yung mga plans today.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon