30

754 9 0
                                    

Late November.

 

Matapos 'yung Retreat nila Jam, dumalas na naman 'yung mga pag-aaway namin. Ewan ko ba ba't ganito ako, 'yung tipong pag hindi ko siya kasama, feel ko laging hindi okay at dahil namimiss ko siya, niaaway ko siya. -__-

Umaga ngayon at tulog pa si Jam. Hindi na naman kami okay bago matulog kagabi, kaya eto, ang aga kong nagising para mag-okay na kami.

Nagsesearch ako ng mga songs mula sa pinanuod naming Breaking Dawn. Grabe, nakakabitin 'yun!

A Thousand Years.

 

Hmm, alin kaya 'to?

Heart beats fast, colors and promises

How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall?

But watching you stand alone,

All of my doubts suddenly goes away somehow

One step closer

 

Napapikit ako. Ang ganda naman ng boses ni Christinna Perri! Honestly, hindi ako makarelate sa kanta. Hindi ako natakot mahulog kay Jam. Dapat yata siya nakikinig nito, dahil mula umpisa, siya naman ang may fear tungkol sa pagkakahulog niya sa akin.




I have died every daywaiting for you

Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for athousand more

Aw?! Sinong nagsabing hindi ako nakakarelate?! :"> Sobrang kinikilabutan ako habang pinakikinggan 'yung chorus. Naalala ko 'yung theme song namin na Synesthesia. Tungkol rin siya sa aking paghihintay sa kanya. Syempre naman kasi, sa paghihintay kong 'yon, todo todong paglalaban po ang ginawa ko para lang makuha siya! Tsaka promise man, kahit lagi akong nagtatampo at nang-aaway, hindi ko siya iiwan!

Patuloy ko lang pinakinggan ang ganda hanggang sa napansin kong bagong upload lang pala 'yun sa YouTube at dahil may account ako dun, may naisipan akong itry.

"Hi! This the first time I'll be doing this.. But uh, I'm in love with this girl I've been together for a while now and we watched BD together, where we heard this. Things have not been very smooth for us nowadays and I'd really appreciate it if you'd like this 'comment' so it'd go at the top for her to see. I love her so much and I'll love her for a thousand years! TY!"

 

Grabe, medyo na nosebleed din ako dun ha! Hahaha. Eh maaga pa kasi kaya naisip ko na 'yung taga ibang time zone gising pa. 'De joke lang, gets niyo na 'yun!

(FB CHAT) *BEEP! 1 new message:

"Good morning. :)"

 

Si Jam 'yun. Sabi sa inyo eh, 'di kami okay niyan. Walang ka-sweet sweet ang morning message niya. :(

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon