46

817 9 1
                                    

NOVEMBER 12:

Sa November 14 na ang Retreat ng section namen. Nung isang gabi, namili na kami ni Jam ng mga nais kong dalhin na mga pagkain at nais na isuot na damit. Damit? Haha. Napa,

"Retreat 'yan ah, hindi fashion show!" na si Jam nang mamili ako ng mga damit. Ewan ko din ba ba't naisipan kong bumili pa. -__-

So Monthsary na naman namin ni Jam ngayon at binigyan niya ako ng.. Stuffed toy. Bakit? Hihi.

*FLASHBACK*

"Tinanong kanina kung pwede magdala ng stuffed toy, pwede daw kaso parang mga bata naman classmates ko." Kwento ko kay Jam  habang nakaupo kami sa foodcourt ng school.

 

 

"Ows? Ikaw ba? Anong dadalin mo?"  Tanong naman niya na nagtataka talaga.

 

Eh, wala naman akong mga ganun o.o "Wala, wala akong ganun, 'di ko hilig."

 

*END OF FLASHBACK*

 

So 'yun nga daw ang dahilan bakit binili niya ako ng stuffed toy na mukhang half pig at half bunny. Anak namin 'to eh! Hahaha :">

Buong araw na pinanggigigilan ng mga kaklase ko 'yung anak namin ni Jam. Pano, ang cute naman kasi talaga. Talagang dadalin ko 'to sa 14!

November 13.

Nang sunduin ko si Jam mula sa kanila nung umaga, binigyan niya ako ng bulaklak. :"> Monthsary padin namin diba? Hmm. Stuffed toy na flower din siya. 'Yung nabebend-bend 'yung stem. Alam ko kanya 'to eh, tas may picture nya pa 'yung tag nung flower. Ang cute cute :3

"Sunduin kita bukas sa inyo ah? Hay, mamimiss kita, ingat ka dun, behave!" Paalala ni Jam nang maghiwalay na kami for the day. Pero magkikita din mamaya syempre. :)

Ngumiti naman ako habang hinatid niya 'ko sa room ko, "Thank you so much sa mga gifts Jam! Dadalhin ko sila bukas! Kita tayo mamaya ah? Have a good day By! I love you!"

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagsimula na nga ang araw.

***

Kanina namin nakuha ang mga varsity jackets namin na personalized para lang sa section namin. Sa Tagaytay kasi ang Retreat at siguro malamig naman dahil Ber month.

Buong araw ginawa kong letter si Jam. Hmm. Ganito kasi 'yun.. May isang letter per time of the day. Isa para sa kaalis ng bus at kapasok niya ng school, isa para sa lunch, sa kauwi niya, bago siya matulog at sa tatlong araw na mawawala ako, may letter siya syempre. May mga paalala sa mga dapat niyang gawin tsaka para hindi niya lang ako namimiss masyado. Bukas ko ibibigay ang mga 'to.

Tulad last year nang mag retreat siya, kauwi ko, manunuod kami ng Breaking Dawn Part 2. Diba last year 'yung part 1? Excited na akong umuwi kahit 'di pa kami umaalis. Hahaha!

***

Kasama ko na ulit si Jam ngayon, sa wheeler, hahatid naman na niya ako pauwi.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon