27

948 9 0
                                    

Setting: Sembreak

Heto na ang pinakahihintay natin.. :D

Woohoo sembreak na naman! Magbibirthday na naman ako!

Kaso.. Hay. Mula day 1 ng sembreak, hindi pa kami nagkikita ni Jam. October 29 na ngayon, bukas na birthday ko tapos hindi ko man siya makakasama. :(

"Ma! Anong balak bukas?" Tawag ko kay Mama habang nakahiga pa ako sa kama. Mamaya niyan aalis ako eh, magseserve ako sa simbahan.

Sumagot naman si Mama na nakahiga din, "Punta tayo kina Lola mo, dun nalang tayo no." Medyo tamad lang namin, higa higa lang. Hahaha.

Edi okay, at least mas madaming tao kina Lola tsaka bibigyan nila akong gifts! Hahaha.

"Darling, ligo na ako niyan no? :-* Bukas, magbibirthday ako kina Lola.."

 

*BEEP! 1 new message:

"Sige, baho na eh! ;p Ah okay, sana minsang birthday mo ako naman kasama mo.. Go na."

 

Aw natouch naman ako. Gusto ko nga siya nalang makasama ko bukas eh. Pangarap ko lang naman na siya na makasama ko sa buong buhay. :">

Naligo na nga ako agad at baka ma-late ako sa misa.

Matapos maligo, may nagtext pala sa akin.

"Sam, kita tayo mamaya, may bibigay lang ako. :)"

 

Aw.. Si Jon 'yun. Hay. Nung Second year, naging super kaclose ko siya dahil seatmates kami. Ngayong third year kasi, nalipat siya sa second section kaya ayun, madalang nalang kami mag-usap.

Nagreply naman ako.

"Bakit?"

 

*BEEP! 1 new message:

"Birthday gift mo. Nasa Walmart lang ako, kunin mo please.."

 

Hayy. Actually, aminado si Jon na gusto niya ako. Kamakailan niya lang inamin, nung mga ilang araw palang kami ni Jam. Ewan ko nga kay Jon eh, siya nalang yata nakakakita sa akin bilang isang straight na babae. Kaso hindi naman kasi ako boyish madalas pag hindi ko naman kasama princesa ko kaya siguro 'yung image ko na ganun 'yung nagustohan niya.

Nagpaalam naman ako kay Mama na inaaya ako ni Jon at pumayag siya.

"Wow! Sige, salamat! Text nalang mamaya. :)" Reply ko.

 

Wala namang ilangan kasi talagang close kami ni Jon, kung tutuusin, lagi kong kasama 'yon noon sa classroom para sa mga kalakohan kaya hindi ako nahihiyang tumanggap ng regalo KO. Hahaha! Wag pong tatanggi sa biyaya! Isa pa, bro lang ang turing ko sa kanya.

Nagbihis na ako at naka all-white ako ngayon- white blouse at white skirt, ganito kasi pag magseserve kami sa simbahan. Umalis na ako at nagpunta na sa church.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon