48

3K 30 25
                                    

....

AUTHOR'S NOTE.. SAM'S NOTE..

Ngayon? November 17, 2013. WALA NA TALAGA.


Sa hinaba haba ng istorya, dito rin kami bumagsak. Pasensya na, hindi na niya ako mahal. :) Pasensya na, umasa kayo sa HAPPILY EVER AFTER. Wag kayong magalala, umasa rin ako.

JULY 26, 2013 nang simulan ko ito. FAMILIAR BA? :) Hehe. July 27, 2010 nang una kong  makatext si Jam. 'Yun din ang araw na nilaan ko para sabihing mula noon, SIYA NA ANG MAHAL KO. Misan lang siyang pumasok sa puso't isipan ko.. Kase hangga ngayon, hindi pa rin siya nawala rito.

LAHAT. As in LAHAT nagawa ko na para lang balikan niya ako.

Oo, nakikita't nakakasama ko pa siya ngayon pero talagang wala na. Nagpapanggap na lamang ako na masaya ako bilang kaibigan niya nalang. Pero alam niya namang siya pa rin..

Pero fighters, sobrang bigat na. Alam niyo 'yung feeling na imbes na mas ipagdasal kong mahalin niya akong muli.. Mas pinagdadasal ko n asana, AKO NAMAN ANG MAKA MOVE ON.

Kase sa pagkakaalam ko at sinabi niya, mula nung March na sinabi niyang hindi na niya ako mahal, HULI NA TALAGA 'YUN. Ewan ko ba kung bakit nakipagbalikan siya nung May, edi sana 'di nako umasa. Edi sana hindi na ako bumili ng singsing! (Tinapon ko na 'yun ngayon..)

Sa mga nagtataka kung bakit ko parin pinost ang story namin despite na ayaw niya.. Kasi ito nga 'yon. TAPOS NA RIN NAMAN EH? Hindi niya na rin naman ako binabawalan, wala na kasi siyang pakialam. :'(

Mula day 1 hanggang sa ngayong aabot na ng 40 months na minamahal ko siya, SIYA LANG TALAGA. Sa kabila ng lahat ng takot ko, tinanggap ko lalo ang pagkatao ko dahil sa kanya. Lahat ng pangarap ko, kasama siya. Kaya napakahirap na ibahin ang pananaw ko sa buhay ngayon. Nasa PAST ko siya.. At kahit na mawala siya sa PRESENT ko.. Kasama parin siya sa mga pinangarap ko para sa FUTURE ko. So paano na? :'(

Sa mga susubukan akong ipagcheer up at sabihing posibleng bumalik na siya, pasensya, pero tanggapin na nating WALA NA. Tanggap ko na eh. Gusto ko na talagang maka move on.

Sa ngayon, masaya na siya. Sa tingin ko'y may bago na siya. Huli kaming nagkita noon November 14, 2013 – kinuha niya 'yung tshirt niyang nasa akin at 'yung ID niya noong fourth year siya. Hindi naging maayos 'yung pagkikita namin. :/ Nagaaral siya sa unibersidad na dapat sabay naming lilipatan, Civil Engineering ang kurso niya. At ako? Pinagpatuloy ko ang pagaaral sa UP. 

Marami nang nagdaan na ibang babae sa akin mula ng maghiwalay kame at tingin ko'y wala namang mali, dahil wala naman akong sabit. Pero sa t'wing mukhang seryoso na sila sa akin ay titigilan ko na. Takot pa akong magMAHAL muli.

Pero may nakilala akong babae. Matapos ang higit anim na buwan, parang gusto ko ng magbago para sa kanya at magpakatino para mapansin niya ako. Kaso talagang natatakot pa ako. :(

Kaya eto, alam niyo na ang ending. Sana napatawa o napainis kayo ng istorya namin, at least nga affected diba?! :P Eto nga pala si Sam Mercado.. Osige.. Basta ito si CHARM- FIGHTING FOR HER.




May 15, 2015 - second time ko nang matapos iupload ang FFH. aun nga ung nauna sa taas.


naging girlfriend ko yung pinakilala ko sa taas. 3 months lang kami.. hirap pa kasi ako. actually hangga ngayon hirap ako magmahal pero may.. "crush" ako ngayon. ang pababy ba? hahaha. nasa story rin siya. tapos yung gf ni jam ngayon nasa story rin. galing no?



basta sapat na rin minsan sa akin na masaya na siya. aun lang. sana magcomment kayo pag natapos niyo na to. kahit yun man lang. feel free to talk to me. SALAMAT!

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon