8

1.2K 17 0
                                    

*SAM’S POV*

 

******

Matapos ang despedida, malapit na naman pagtatapos ng second year. Bilis no? Ilang chapters pa lang mag-ti-third year na kami niyan! Hahahaha. Anong nangyari matapos ang kahihiyan? Ayun, kumalat sa klase ang mga kahihiyan ko. Kinwento pa nga nila sa akin ‘yung mga ginawa ko pero duh, alam ko naman ‘yung ilan dun. Kung tutuusin, narealize ko lang na peke lang talaga ang pagkaka-crush ko kay Carlo. Inamin ko naman sa kanya na naging crush ko nga siya.

“Uyyy, alam mo na diba?”

 

Tanong ko yan sa kanya sa text nang malaman ko ang aking mga sinambit habang nilalabas ang laman ng aking sikmura at tiyan noong isang gabi. Katext ko kasi talaga araw-araw si Carlo, ewan bakit pero mula nung akala kong crush ko siya, naging close kami. Hahaha!

*BEEP! 1 new message:

Ang alin? :O”

 

Seryoso? Ay whatever, aminin ko nalang na!

“Yung mga kinatak ko nung despedida! Naging crush kasi kita pero okay na wala na ‘yun!”

Hahahaha. Ganun lang kasimple at naging magkumpare nalang kami. ‘Yung medyo bro(s) nalang ang trip namin sa isa’t isa, hindi na ‘yung dati na may ‘kain kana’, ‘ba’t di na nagtext :(‘ stuff na gets niyo na!

******

Sabado ngayon at nasa mall nanaman ako mag-isa. Katext ko si Trish, pinapabantay niya si Cam sa bakasyon. Nahiya naman daw ako no? Edi whatever. Makikipagbati nalang ako, kunyari mabait. Eh kasi naman, mabait naman talaga ako. Ayoko lang na maraming may alam na mabait ako. Weh Sam. Hahaha.

“Sorry sa lahat no Trish? Ako na magpapasorry para naman matapos na ‘yung gulo bago ka pa umalis. At oo babantayan ko si Cam. Pero hindi na ako manggugulo pa.”

 

Text ko kay Trish. May ugali kasi akong ganyan, medyo sarcasm ang pinapahatid ko, ‘yung iba gets pa, ‘yung iba tatanggapin lang. Sino kaya siya don?!

 

 

*BEEP! 1 new message:

 

“You should have said and done that earlier.”

 

Hala!? Hiyang hiya naman daw ako! Hindi man nga ako nanggugulo dahil hindi ko alam na may ginugulo ako. Isa pa, ‘originally’, akin naman talaga si Cam. Ay bahala ‘tong Trish nato, nakakainit ng ulo. Gagawin ko kung anong gusto ko!

******

Lalo kaming naging close ni Jam at dahil na rin sa galit at sakit ng loob ko kay Cam, hinayaan ko nang tuluyan na akong mahulog sa maliit na batang ito.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon