44

780 10 0
                                    

******

Lumipas ang Anniversary namin ni Jam na wala ng selebrasyon. Pareho kaming wala ng pera eh. Hehehe. Naubos na nung nag SC tsaka para laging may pera sa sumusunod na mga araw.

September 17-21.

17.

Nagpunta ang mga classmates at schoolmates ko sa munisipyo para sumama sa Opening Celebration ng Youth Week. Ipinakilala kami sa mga employees sa munisipyo at ipinakilala kami sa mga counterpart politicians namin. Nakuha kong position? 2nd City Youth Councilor. I ranked 3rd out of the 18 students. Hahaha. Yabang ko no! Eh wala, Sam 'to :P

Medyo mahaba pa ang program 'non at nakatayo lang kami. Sa 'di ko maalalang dahilan,bigla katabi ko na si Drei.

"Uy.. Hi." Nahihiya kong pansin sa kanya ng nakangiti. Nakatayo ako sa ilalim ng stairs, ehh maliit lang kasi ako talaga. HAHA. Siya wala sa ilalim pero malapit lang. Si Marie medyo malayo sa kanya.

Ngumiti din siya pero mas malaki, "Hello!" Tapos naguusap kami kaso bawal mag ingay kaya natawa nalang kami ng bawalan kami.

Tinitignan ako ni Marie pero poker face lang. Paano naman, pinapaypayan ako ni Drei. Huhu nakakasira ng pagkalalaki 'to men!

Nagkaroon ng "motorcade"- 'de, naglalakad lang kami hawak ang banner ukol sa Youth week at umikot sa bayan ng aming City.

Buong araw, inexplain lang sa amin ang mga gagawin namin for the week.

Nung hapon, 5 na kami natapos at magkikita na kami ni Jam. FINALLY!

Nakita ko siya sa may tapat ng munisipyo, medyo nagtatago, 'di niya alam na nakita ko na siya. :3

"HOY!" Pang gugulat ko sa kanya.

-__- 'Di naman siya nagulat. Hahahaha. Buset.

Kumain kami sa KFC at nagkwentuhan tungkol sa nangyari sa araw namin.

******

18.

 

Nasa Bus kami ngayon ng mga officials, may meeting daw kami with our Mayor. Usapang love life bigla.

"Ikaw Sam! May boyfriend ka no!" Sabi sa akin nung isang girl na kasama namin. Agad naman kaming close-close eh, syempre magkakaedad.

Napatingin sila saking lahat at napatingin ako kina Drei at Marie na kasalukuyang nakaupong magkatabi, sila lang yata 'yung walang pakialam sa mga usapan sa likod.

Tumawa naman ako, "Ehh! 'Di halata no?! May girlfriend kaya ako."

Ayun, biglang napatingin si Drei na may gulat na expression habang si Marie, nakangiti. Parang nabunutan ng tinik. HAHA.

"Weh?! Seryoso kaba! Parang hindi naman eh..?" Tanong nanaman ng iba.

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon