39

562 8 0
                                    

******

'Yung mga next kwento, random happenings nung summer. 'Yung may mga picture lang ako sa laptop, 'yun nalang ha? So eto, SUMMER 2012

******

Between April 4-7. I don't remember..

Magkabatch si Joie at Jam diba? So.. Nag graduate na din si Joie! Pati si Jan! Kaso si Jan sa Grade school palang. Awooh Congratulations Joie! *Sabog Confetti*

Celebration ngayon kina Joie at nagcelebrate sila sa may malapit sa amin, hindi kung saan malapit bahay nila Jam ha. Naghanda daw 'yung family niya, iniinvite nga nila ako e, syempre.

"Hindi. Kakaumpisa pa lang ng bakasyon mo, aalis ka na naman? Lagi nalang 'yan ha Sam!" Galit na pagbabawal ni Mama sa akin.

Actually 'di talaga kami bati. Nakalimutan ko na bakit eh. Kaya dinaan niya sa ganyan. -__-

Hindi ako umiimik at katext lang si Jam.

"Aw, okay lang kung 'di ka pwede.. Mag oovernight ako kina Joie ha Hon?" Text naman ni Jam sa akin. Ito namang isang 'to. Galing lang sa swimming kahapon tapos makikiovernight na naman ngayon!?

Kasalukuyan kong tinatapos ang scrapbook nito.. Ay hindi, tapos na pala.

Humarap naman ako kay Mama, "Ma, aalis ako. Bibigay ko na kay Jam 'to eh." Akma namang sasagot palang si Mama ng pagalit nang biglang namatay ang ilaw. Brownout.

"Ay mader ang init dito! Alis muna ako no? No!?" Dali-dali kong nilagay sa paperbag 'yung scrapbook at kumuha ng kandila.

"Ikaw talaga! Bahala ka nga!" Sagot naman ni Mama. Hahaha alam ko kauwi ko bati na kami eh. Tsaka brownout nga oh. Kina Joie sigurado meron! Tiwala lang!

"Ligo muna ako By. Punta ako but not overnight. Kita tayo sa tapat ng kanto nila." Sent! Alright ligo na.

Excited na akong magkita kami! Eto kasi 'yung una kong pambawi sa nangyari nung gabi ng Graduation niya. Matapos maligo, nagbihis na ako. Long shorts, loose blue shirt, shoes at body bag! Check! Inayos ko na din 'yung scrapbook sa paperbag tsaka umalis.

Malapit lang naman 'yung sa inuupahan nila Joie. Mga 5-10 minutes na byahe andun na ako.

(AN: ALISIN KO NA 'YUNG BEEP NO? Katamad 'yun-__- Basta pag italicized..)

"Sa'n kana?" Tanong ko naman kay Jam nang makababa ako  sa jeep. Kung galing si Jam sa kanila sigurado magkabilang daan ang bababaan namin.

Dahil may pet shop sa tabi, nakipag communicate muna ako sa mga asong nakadisplay sa may tapat. Hahaha. Maya-maya may narinig akong pumapaswit (Tagalog ba 'yun?) basta 'yung Psssst sabi! Tas 'yun, lumingon ako at nakita 'yung dyosa kong asawa. Oo asawa talaga. Hihi.

Naka black shorts sya, gray shirt at gray shoes. *O* Falling in love for the 54512843rd time :)

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon