47

1.7K 13 0
                                    

AN: Basta grad practices in general, 'yan ang mga pinaka blurred sa memory ko. Kung ano pa ang dati pang lumipas, mas naaalala ko. Ewan ba :P

GRADUATION PRACTICES (ULIT)

Pinagkakabusihan ko? Hahaha. ISANG CARTOLINA..

Gumagawa ako ng letter kay Jam. Pupunuin ko 'yun! Lahat ng alam ko patungkol sa kanya.. Nandoon. Halos hindi ko man binanggit ang sarili ko dun. Gusto ko lang ipaalala sa kanya lahat ng minahal ko sa kanya. Lahat ng sino siya para sa akin. Lahat lahat!

"Grabe, para san 'yan Sam?" Tanong nung mga katabi ko nung grad prac. Kahit 'yung mga 'di ko kaclose nakakaclose ko na dahil 7 sections kaming magkakasama.

Nangiti naman ako, "Ah, para kay Jam syempre."

Namangha naman sila at ayun, grabe naman daw ako. Haha. Syempre nga, ako si Sam eh.

Oo nga pala, natalo ang section ko sa Batch Song competition. Ako nanaman ang sumulat ng lyrics at si Carlo ang gumawa ng tono. Syempre para sa amin, amin 'yung pinaka maganda kaso ewan ba, 'di ko tanggap na natalo kami! Hahaha. Bitter ako, t'wing pinapakanta 'yung sa nanalo, hindi ako kumakanta.

Nakatayo lang kami non, medyo maingay tas bigla..

"Sam."

Marami silang mga tumitingin sakin at halos lahat ng students nakatingin.

"Uy ano?" Tanong ko sa mga kaklase kong lalaki na mukhang natatawa na ewan.

Napatingin ako sa stage, baka kasi napagalitan pala ako dahil nagdadaldalan kami.

Tas nakatingin 'yung teacher naming bakla na nang-aaway kina Jam last year dahil nanalo sila sa Batch Song. REMEMBER?

"Hi Sam! Ba't mo muna pinanggawa si Jam non?"

Tanginuh. NAKA MIC SIYA NON HA!

Syempre hindi ko naman pinahalatang uminit 'yung ulo ko.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at nilakasan, "Aba syempre, SIR, mahal ko eh!"

Hindi pa siya nun nagpatalo at sinagot-sagot ko lang siya. TA PAPATALO AKO! 'Yung mga teachers nag aalala na sakin, hindi man nga ako pinipigilan sa pagsagot eh, tas mga students aliw na aliw.

Nang matapos ang practice, okay na ko, good mood na. Inisip ko nalang na nakikipag biruan lang si Sir kase ka-close ko naman talaga 'yon. Ayoko lang talaga na bulgaran siyang magsalita ng ganun.

Ipinatawag pa ako sa Faculty room non at kinamusta ng teachers, na wag daw ako papaapekto.

Tinetext ko si Jam nun..

"Last year nung inaaway ka nila, inaway ko din sila at pinaglaban kita! Isang taon ang nakakalipas, inaaway nila ako dahil sa nangyari.. Eto parin ako, pinaglalaban ka.."

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon