Epilogue

58 0 0
                                        

Nakapamulsa akong naglalakad sa gitna ng magarbong hardin na pagmamay-ari ni Lolo. Sa bawat hakbang ko, tila sumasabay ang marahang paggalaw ng mga nag-gagandahang bulaklak sa paligid, ngunit wala doon ang aking atensyon. Ang malamig na simoy ng hangin na sumasalubong sa akin ay tila may dalang pait—isang malamig na yakap na nilulukob ang nalulumbay kong puso.

Sabi ni Lolo, binawian ng buhay si Mommy nang ipanganak ako. Si Daddy naman, parang bula na naglaho; hindi alam kung nasaan, walang balita kung humihinga pa ba siya o matagal nang kinain ng lupa. Namulat ako sa poder ng aking Lolo, ang ama ni Mommy. He is the definition of a strict patriarch, but despite his iron fist, never niya akong pinabayaan. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa likod ng kanyang mga istriktong utos.

"Yo, Kuruzaki."

Naantala ang aking malalim na pag-iisip. Umangat ang aking paningin mula sa daang tinatahak at tumambad sa akin ang matitikas na bulto nina Aqueros, Reiden Grei, at Caspian.

"You kidnapped him again, didn't you?" I frowned at them, directing my gaze at Caspian. He just rolled his eyes at me, looking bored as usual.

"We didn't kidnap him. He's the one who flew alone just to get here. Wanna hang out?" ani ni Aqueros. Hindi na ako nagprotesta at nagkibit-balikat na lamang bilang pagsang-ayon.

Tumalikod na silang tatlo at tahimik ko silang sinundan. Aqueros and I go way back because our grandfathers were best friends. Noong bata ako, nagtataka pa ako kung bakit labas-pasok ang isang Aqueros sa mansyon namin nang hindi man lang nasisita o nalalatayan ng galos ng mga gwardya. Yun pala, he's a special case in Lolo's eyes.

Si Lolo ay hindi lang basta matanda; siya ay isang sikat at kinatatakutang lider ng Yakuza rito sa Japan, ang bansang sinilangan ko. Even my Dad was once a high-ranking member of his group before he married Mom. Tutol si Lolo sa pagsasama nila noon, pero wala na siyang nagawa nang isilang ako at nang pumanaw si Mommy nang hindi inaasahan.

Sa isang liblib na sulok ng aming malawak na lupain, huminto sina Reiden Grei, Aqueros, at Caspian. Sa harap namin ay nakatayo ang isang tree house—isang istrukturang sama-sama naming binuo noong mga bata pa kami. It was the silent witness to our brotherhood.

Naunang umakyat si Caspian, kasunod ang dalawa. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang itayo namin ito, at ganoon na rin katagal ang pagkakaibigan naming apat.

Bumulaga sa akin ang kamay ni Aqueros habang papaakyat ako. I grabbed it, and he effortlessly pulled me up into the wooden floor of our sanctuary. Nagkani-kaniya na kami ng pwesto. Lumapit ako sa bintana at naupo sa barandilya, ang isa kong paa ay nakataas habang ang braso ko ay nakapatong sa aking tuhod. Mula rito, tanaw ko ang napakalawak na lupain ng mga Kurusaki. The sun was beginning to set, painting the sky in hues of orange and violet. Mukhang trip nilang tumambay sa teritoryo ko ngayon.

"So, what should we do now?" untag ni Grei.

Napalingon ako sa kanila. Caspian was slumped on a black bean bag, while Aqueros and Reiden Grei were surrounding a table. Doon ko napansin ang isang blueprint na nilapag ni Grei sa gitna nila. My curiosity peaked. Iniwan ko ang aking pwesto sa bintana at pabagsak na naupo sa tabi ni Aqueros.

"What's that?" I asked, my brows furrowing.

"It's the blueprint of Neoearth's headquarters," Aqueros answered coldly.

As far as I remember, Neoearth is one of the most dangerous and deadly organizations in the world. Bakit sila naging interesado sa ganoong kalaking sindikato?

"Then? Why do you have that blueprint? Don't tell me you're planning to invade their territory again?" napapamaang na wika ko.

Bumaling ang tingin ni Aqueros sa akin. Napalunok ako. For a split second, I saw his eyes turn into a ghastly shade of crimson.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon