SINJI'S POV
HINDI ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinaggagagawa ni Saviel. We were going for a beach wedding theme, and currently, we're at this breathtaking resort owned by Trev. The sound of the waves should have been calming, but my nerves were shot.
"Bakit parang hindi ka masaya?" usisa sa akin ni Kastiel habang karga ang anak nitong si Kasreil Grei. The mother and son were comfortably perched at the edge of the bed in the suite I was staying in.
Napairap ako sa kawalan, feeling the weight of the last few hours.
Sino ba naman kasing matutuwa kung sa kalagitnaan ng gabi ay bigla kang kukunin at dadalhin sa isang lugar na hindi mo alam, tapos may piring pa sa mata? The mystery was too much for my heart to take. Hindi ako natutuwa sa kaganapang ito.
"Sinong matutuwa sa ginawa sa akin? Ramdam ko na 'yong excitement kanina, kaso biglang naudlot dahil sa kaba," I complained.
"Ay, ang arte! Ikaw lang ata ang kilala kong labag sa loob ang magpakasal. Bakit, ayaw mo na ba kay Senri?"
Hindi sa nag-iinarte ako o ayaw ko na kay Senri. Ang sa akin lang, sana hindi nila ginamit ang mga anak ko para sa sorpresang ito. I almost fainted out of sheer panic when Saviel called saying my kids were missing. Tapos pagdating ko dito sa resort, bigla akong piniringan at kinaladkad sa kwartong ito. I must have blacked out or something, because I woke up already dressed in something else.
"Hindi sa ayaw ko kay Senri, naiinis lang ako sa paraan niyo."
"Pwede ka pa namang umatras kung ayaw mo talaga," segunda naman ni Ernaline habang seryosong nag-aayos ng sarili niyang mukha sa harap ng salamin.
Inirapan ko lang siya bago muling humiga at bumaon sa malambot na kama.
Sa dami ng pinagdaanan namin, it felt surreal to see myself finally having a family of my own. Even the people most important to me have started their own chapters. It's a beautiful thought—na sa kabila ng lahat ng dagok at pagsubok, nanatili kaming matatag. Pinagtibay kami ng panahon.
"Bumangon ka na dyan, Sinji. Malapit na ang oras ng kasal mo," pamimilit ni Kastiel, but I ignored her. I pulled the duvet over my head instead.
Matutulog na lang ako kesa umattend sa sarili kong kasal.
"Ano ba!?" I snapped when someone suddenly yanked the blanket away, forcing me to sit up.
Ang naniningkit na mga mata ni Saviel ang sumalubong sa akin. She looked ready to scold me.
"Anong kaartehan 'yan at hindi ka pa nag-aayos ng sarili mo, Sinji Natividad?"
Tumayo ako at hinarap siya. I crossed my arms over my chest, giving her my best amok look. "Kahit hindi ako mag-ayos, maganda ako, Saviel Hyuga."
"Aba! Lumalaban ka na?"
"Naman."
Sabay kaming napasigaw nang biglang mag-untugan ang mga noo namin. Someone had smacked the back of our heads. Lumingon kami para tignan kung sinong hampas-lupa ang gumawa no'n.
"What the fuck... Kuya?" I froze. There he was—Kuya Luther, looking unusually relaxed in a Hawaiian polo shirt, four-pocket tokong shorts, and slippers. His sunglasses were hooked on the neckline of his shirt, where the top two buttons were casually left open.
"Kailan ba kayo titino na dalawa? Hanggang sa kasal ba naman, puro kayo kalokohan?" komento ni Kastiel, shaking her head. She stood up when Reiden Grei entered the room.
"Wala kasi akong supply ng bitamina kaya kinulang sa turnilyo ang aking utak," sagot ni Sav, brushing past Kuya Luther to get to Ernaline's side.
"Kulang daw sa dilig, Kuya. Paano ba 'yan, mukhang napag-iiwanan ka na," bulong ko naman kay Kuya Luther.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romantizm[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
