Missing 29: Kidnapped

316 7 1
                                        

SINJI'S POV

MATAPOS maging malinaw ang lahat sa pagitan namin ni Senri, tila may mabigat na batong naalis sa dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag. Pero alam ko, panandalian lang ito. Hindi pa tapos ang laban; nagsisimula pa lang ang tunay na impyerno.

"Wala pa bang tumatawag sa'yo, Sinji, tungkol doon sa mga dumukot sa kambal?" usisa ni Gun, ang boses niya ay bakas ang pag-aalala.

Kasalukuyan kaming nasa control room—ang teritoryong pinaghaharian ni Rent. Hating-gabi na, ang paligid ay nababalot ng tensyon at ang tanging liwanag ay nagmumula sa mga dambuhalang monitors. Walang sinuman sa amin ang may balak matulog; ang antok ay tinalo ng kaba at galit. Pinapakilos na rin ni Kuya Luther ang kanyang mga galamay mula sa underground society para hanapin ang mga anak ko.

"Wala pa," mahinang sagot ko, pilit itinatago ang panginginig ng boses.

Si Shin naman ay mahimbing na tulog sa opisina ni Kuya, binabantayan ni Sav. Ayaw niya akong kausapin; natatakot siyang baka pagbuntunan ko siya ng galit. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi niya kasalanan ang nangyari, pero ang gaga, kung anu-ano ang ipinapasok sa isip at sinisisi ang sarili, kaya hinayaan ko muna siyang mapag-isa.

Kailangan kong kumilos. Kailangan kong hanapin ang mga anak ko at siguraduhing ligtas sila. Pero sa gulo ng isip ko ngayon, para akong nawawala sa gitna ng kawalan. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Check this out, Gun." Sabay kaming napalingon ni Gun sa pwesto ni Rent. Ang mga mata niya ay nakatitig nang mariin sa monitor.

Isang simbolo ang lumitaw sa screen, at sa isang sulyap lang, tila huminto ang tibok ng puso ko.

Ang simbolo na nakaukit sa aking batok ay siya ring nakapinta sa pader ng isa sa mga hideout ng mga myembro ng HuPoFEL. Isang bahay na nilalamon ng apoy, may dalawang pakpak na nakatiklop sa gilid nito. It was the mark of my past—ang simbolo ng bahay-ampunang pinagmulan ko.

"I-zoom mo nang mabuti, Rent," utos ko, ang boses ko ay halos pabulong na sa takot.

Ginawa ni Rent ang utos ko. Halos manindig ang balahibo ko nang makita ang isang pamilyar na bulto ng lalaking pumasok sa kwartong iyon.

It was Flame.

Tumingin si Flame direkta sa surveillance camera, tila alam niyang pinapanood namin siya. May inilahad siyang papel sa harap ng lente. Doon, nakita ko ang litrato ng anak ko—at ang ikinadurog ng puso ko, may tattoo na rin ito sa batok.

"Tangina mo, Flame! Huwag ang mga anak ko!" sigaw ko. Halos mayumanig ang buong control room sa lakas ng boses ko. Nagulat sina Gun, maging si Senri at Kuya Luther ay nagmamadaling pumasok dahil sa hiyaw ko.

"What's happening?" tanong ni Senri, agad lumapit sa akin para pakalmahin ako.

Naikuyom ko ang aking mga kamao hanggang sa mabaon ang mga kuko ko sa aking palad. Nakatitig lang ako sa monitor, sa imahe ni Flame na hawak ang litrato ni Seiji. My son, Seiji, was inside a glass capsule, unconscious and pale. Si Serin naman ay pilit na pumipiglas sa hawak ng isang lalaking nakaputi. Flame smirked at the camera before the feed went black. Sinira niya ang camera.

"I think Flame knows exactly where the kids are," ani Gun.

Lumapit si Kuya Luther sa monitor at pinakatitigan ang huling frame ni Flame. "Damn this asshole. Why would they do this to a five-year-old kid?" Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Kuya sa inis, pero ang sa akin? Purong galit na ang nananalatay.

Gusto kong pumatay. Gusto kong kitilin ang buhay ni Flame sa sarili kong mga kamay. Wala akong matandaan na may sinaktan akong tao nang ganito, pero bakit ang mga anak ko ang nagbabayad ng parusang dapat ay para sa akin?

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon