SINJI'S POV
Pagkababa ko mula sa second floor ng mansion ni Kuya Luther—na nagsisilbing pansamantalang shelter naming pamilya—bumungad agad sa akin ang dalawang pigurang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nadatnan ko sina Gun at Calvin sa sala, mukhang pasan ang daigdig sa sobrang lalim ng iniisip. Kunot-noong lumapit ako sa asawa ko na si Senri, na sa mga sandaling iyon ay abalang-abala sa pagpapakain sa tatlo naming anak sa dining area.
"Anong nangyari sa mga 'yan?" usisa ko kay Senri. Ginamit ko pa ang labi ko para ituro ang dalawang mokong sa sala habang dahan-dahang pumapasok sa kusina.
Sandaling sinulyapan ni Senri sina Calvin at Gun bago ibinalik ang malamig ngunit malambot niyang tingin sa akin.
"Woman," tipid niyang sagot. Short, concise, and very Senri.
Agad na kumunot ang noo ko. "Babae ang problema nila, Sin. Hayaan mo na sila riyan," singit ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako at nakita ko si Thud na parang linta kung makisalo sa pagkain, habang sinusubuan pa ang anak naming si Serin.
"Teka, kailan pa tayo nagkaroon ng pang-apat na anak?" sarkastikong baling ko kay Senri habang nakataas ang isang kilay.
"I won't acknowledge him as my son for goodness' sake. Kilabutan ka naman, misis ko," reklamo ni Senri na may kasamang pag-irap, dahilan para mapatawa ako nang mahina.
Si Thud naman? Deadma lang. Walang pakialam sa asaran namin basta't busog siya.
Muli kong nilingon ang kinaroroonan nina Calvin at Gun bago ako naghanda ng meryenda. Kumuha ako ng pitsel ng juice at nag-slice ng bread para sa aming lahat. Katatapos lang ng mahabang flight namin mula France at dito kami dumeretso sa bahay ni Kuya. Kahit may sariling condo at bahay si Senri, ayaw kong iwan si Kuya Luther nang mag-isa rito—kahit na madalas naman siyang wala dahil sa pag-travel sa buong mundo bilang isang Mafia Boss.
Binuhat ko ang tray at naglakad palapit sa pwesto nina Calvin at Gun na tila mga estatwang tulala sa sofa. Inilapag ko ang tray sa center table bago ako naupo sa single couch sa harap nila.
"Gutom lang 'yan, Cali, Gun. Baka gusto niyo munang magmeryenda?" offer ko. Pero ang mga loko, tiningnan lang ako saglit bago sabay na nagpakawala ng isang napakabigat na buntong-hininga.
"Babae ba 'yan?" diretsong tanong ko, dahilan para tuluyan kong makuha ang atensyon nila.
"Oo."
"Hindi."
Sabay nilang sagot pero magkaiba. Napabuga na lang ako ng hangin at nagsalin ng juice. Minsan lang bumisita ang mga ito, kaya alam kong mabigat ang dala nila. Pupunta naman kami sa HuPoFEL mamaya, pero mukhang kailangan na nila ng moral support ngayon pa lang.
"Mauna tayo sa'yo, Tandang Gun. Anong problema?"
Tumingin si Gun sa mga mata ko, seryoso ang ekspresyon. "Wala. May iniisip lang ako."
"Ano nga? Huwag mo akong dumaanin sa 'wala'," pangungulit ko.
"Psh. Ang kulit mo rin, 'no? Ganyan ba kayong mga may-asawa na? Kailangan talagang mangialam sa buhay naming mga single?" naiiritang sagot niya.
"Malapit ka na kasi sa menopausal stage kaya concerned lang ako sa love life mong malapit nang maging bato."
"Hindi ako babae para magka-menopausal stage," asar niyang balik.
"Sungit! So, ano nga?"
Huminga siya nang malalim. "Nalasing ako. Akala ko 'yung babaeng naikama ko ay 'yung girlfriend ko, pero hindi pala."
"Wait, may girlfriend ka?! Shit! Breaking news 'yan!" Halos mahulog ako sa upuan sa gulat.
"Malamang meron. Anong tingin mo sa akin, walang balak magkalat ng lahi?"
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
