SINJI'S POV
PAGKATAPAK na pagkatapak ko sa NAIA, agad na sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy at init ng Maynila. Ramdam ko ang matinding pangungulila sa bansang ito. Sa loob ng limang taon, wala akong ibang ginawa kundi ang magtago at magpaka-invisible sa mga taong alam kong makakatulong sa akin. Ako na mismo ang kusang umiwas para sa katahimikan naming mag-iina.
Inaamin ko, habang naglalakad sa arrival area, bumibilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayong nagbalik na ako sa Pilipinas.
"Mom, can you carry me?" Napatingin ako sa paanan ko. Si Shin, pupungas-pungas pa ang mga mata at halatang inaantok pa mula sa mahabang flight.
Sa gilid naman, si Serin ay mahimbing na nakasandal at karga ni Sav. Habang si Seiji, ang panganay ko, ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. He looks so cool with those expensive sunglasses na regalo ng Tita Ninang nila, pero alam kong binabantayan din niya ang bawat galaw sa airport.
Umupo ako para magpantay ang paningin namin ni Shin. Hindi ko napigilang panggigilan ang malalambot niyang pisngi bago ko siya binuhat. Agad na yumakap ang maliliit niyang braso sa leeg ko at isiniksik ang mukha niya sa balikat ko para ituloy ang tulog.
Para akong nanlambot. In an instant, all the fatigue from the travel vanished because of my kids' sweetness.
Inilahad ko ang kabilang palad ko kay Seiji. "Hold my hand, Seiji. Mahirap na at baka mawala ka, masyadong maraming tao rito."
He just looked at me with that mature gaze of his. "I'm good, Mom. No need to worry about me," he said firmly.
Ngumiti na lang ako at tumingin kay Sav. She just shrugged her shoulders bago tumalikod at naglakad patungo sa baggage claim.
Matapos makuha ang lahat ng bagahe, mabigat ang bawat hakbang ko palabas ng airport. At doon, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang taong pinaka-ayokong makita ang bumungad sa amin. My heart skipped a beat. Siya mismo ang sumalubong sa amin.
Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Sav sa sobrang gulat, dahilan para mapaatras siya. Naramdaman siguro ni Seiji ang panginginig ko kaya tingala niya akong tinignan. Doon, ilang metro ang layo, nakatayo ang isang lalaki sa harapan ng isang magarang kotse. He looked imposing, cold, and powerful.
"Sav," tawag ko sa pangalan niya, halos pabulong na.
Nilingon ako ni Sav na may halong pagtataka at inis. "Bitawan mo ako, Sinji! Baka mabitawan ko si Serin, nangangalay na ako," aniya.
"Bakit siya nandito?" naiinis at kinakabahang bulong ko.
Mahigpit ang bilin ko kay Sav na walang pagsasabihan, kahit na miyembro pa ito ng HuPoFEL o Bloodfist. Pero mukhang ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkaharap-harap kami—kasama ang mga anak ko.
"Tinupad ko naman ang usapan natin, ah! Anong magagawa ko kung masyadong advance ang utak niyan? Kapatid mo 'yan, hello?" katwiran ni Sav.
Pinalo ni Sav ang kamay ko na nakakapit pa rin sa kanya bago siya tuluyang naglakad palapit sa sasakyan ni Kuya Luther. Mabilis na binuksan ni Kuya ang pinto para kay Sav, at dahan-dahang ipinasok ni Sav ang tulog na si Serin sa loob.
Walang binibitawang salita si Kuya Luther. Nakatitig lang siya sa akin—yung titig na tila tumatagos sa kaluluwa ko. Nagpapahiwatig siya na isakay ko na rin sina Shin at Seiji, pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Napahigpit ang yakap ko kay Shin. Naramdaman siguro ng bata ang panginginig ko, hindi dahil sa nerbyos, kundi dahil sa takot na sermonan ako ng kapatid ko.
Kuya Luther is the only family I have left, pero mas pinili kong sundin ang sarili kong desisyon five years ago without minding his feelings as my guardian.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
