SINJI'S POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa isang beach bed dito sa isang luxury resort sa Hawaii, tahimik na nakatitig sa unti-unting pagbabago ng kulay ng kalangitan. The sky was a bleeding masterpiece of orange and purple. Hindi naman masyadong mainit dahil malapit na ring lumubog ang araw, pero dahil sa sobrang kaartehan ng kasama ko, nagpumilit siyang pinalagyan ng malaking payong ang pwesto namin.
Ang rason niya? Ayaw niyang umitim. Classic Saviel.
Habang pinapanood ko ang mga alon, hindi ko maiwasang maglakbay ang isip ko pabalik sa Pilipinas. Sa tuwing maaalala ko 'yong mga panahong nasa poder pa ako ni Kuya Luther, I can't help but miss his strictness. Kahit na minsan ay sakal na sakal ako, doon ko naramdaman na may pamilya ako. Actually, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid pala ako. I grew up in an orphanage, never knowing my parents or if I even had relatives.
It's been years since I left them. Years of silence. I don't even know what happened to them or if they're still looking for me.
I let out a heavy sigh, feeling the weight of the past pressing on my chest. I reached for the glass of my favorite orange juice na nasa side table na pinasadya pa namin bago humigop nang malalim.
"Napapadalas ata ang pagbuntong-hininga mo, mars. May hika ka ba?"
Napa-angat ang kaliwang kilay ko. I sat up from my reclining position and faced Saviel, who was lounging effortlessly on the adjacent beach bed.
Maraming bakasyonista sa paligid. The beach was crawling with tourists, and I could see several afams jogging or swimming nearby. Pero kahit gaano pa karaming gwapo sa paligid, si Senri lang ang tanging nakakakuha ng atensyon ko—kahit wala siyang abs. Chariz!
"Sa ating dalawa, ikaw ang sakitin," pasaring na sagot ko kay Saviel, rolled my eyes at her.
"Wow! So, mas malakas ka na sa akin ngayon? Baka nakakalimutan mo, ako ang naging sandalan mo noong mga panahong walang-wala ka na. Noong iniwan mo ang matiwasay mong buhay sa piling ng isang Luther Bloodfist, Senri Kurusaki, at ng buong HuPoFEL."
"Tangina, ang drama mo." I gave her a playful but firm shove. Sa lakas ng tulak ko, nahulog si Sav sa buhanginan. I didn't even flinch. Wala akong paki kung gumulong pa siya hanggang sa tubig dagat. I just knew she probably watched too many K-Dramas again.
Instead of getting mad, Sav burst into a loud, cackling laugh—parang mangkukulam na nakawala. Hindi na naman ata siya nakainom ng gamot kaya ang lakas na naman ng tama niya sa utak.
But deep down, I knew she was right. Noong umalis ako sa HuPoFEL, sa Japan ako unang naggala. Sav and I never lost touch. Hanggang ngayon, kinukulit ko pa rin siya kung ano ba talaga ang nagawa niyang atraso kay Kuya Luther, pero ang gaga, tikom ang bibig. Ayaw niyang sabihin.
"Ikwento mo nga sa akin, paanong napadpad tayo dito sa Hawaii?" tanong niya bigla, shifting the mood.
Nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa kanya. "May amnesia ka, girl? Isang taon na tayong naninirahan dito sa Hawaii, ngayon mo pa naisip itanong 'yan?"
"Kwentuhan mo na ako! Para naman pag-uwi natin sa Pinas, may ideya ako sa gagawin nating role play."
Plano kasi naming magpanggap na wala kaming matandaan pagbalik namin. We wanted to start fresh, as if we were strangers to everyone we once knew. Hindi ko alam kung anong topak ang pumasok sa isip niya at pati ako idinamay niya, but since I was bored, sinasakyan ko na lang ang lahat ng trip niya sa buhay.
"Hoy, ano ba! Magkwento ka na!"
I sighed again, looking out at the vast, shimmering ocean. I closed my eyes for a second, letting the memories of that final morning with Senri flood back in.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romantizm[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
