E

6.6K 274 14
                                    

"CONGRATULATIONS TO the newly weds!"

Naghiyawan ang mga bisita at sabay-sabay nitong itinaas ang kopita. Nagbigay siya ng pilit na ngiti, hoping people won't notice it's forced.

Sa gilid ng kanyang mga mata, kita niyang tumango lang si Kiefer.

Kakatapos lang ng kasal nila at ngayon, pupunta na sila sa reception. Sobrang bilis lang ng preparation. Two weeks after her parents caught them on the same bed, kaagad nitong inayos ang kasal.

Kiefer was so angry at her and for two weeks week, talagang hindi ito nagpakita sa kanya. Ngayon niya lang ulit ito nakita.

When they did the photoshoot a while ago inside the church, ni wala man lang itong kangiti-ngiti. Mas lalo naman siya, 'no!

Hanggang ngayon, talagang hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. The happenings are too fast. Parang kailan lang, nagpa-party sila ni Kiefer ta's ngayon, kasal na nila. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

"Smile naman d'yan! Ang tensed niyo masyado!" Narinig niyang sigaw ni Knoxx, isa sa mga kaibigan ni Kiefer.

Knoxx refused to be his bestman dahil ayaw raw nitong pabayaan ang pamilya nito. Baka kasi may ihiling si Autumn, eh. Buntis kasi ang misis nito kaya ayun, ang kapatid nito ang bestman ni Kiefer. Si Travis naman, nagpunta sa Thailand kasi ayon sa source nito, nandoon daw si Snow.

Napabuntonghininga siya at dumako ang tingin sa kapatid nito na may nang-uuyam na ngiti. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na galit din ito sa kanya dahil pinikot niya raw ang kuya nito.

Iniwas niya na lang ang kanyang tingin at tumingin sa photographer.

Ngumiti na lang siya sa sinabi ni Knoxx. Mukhang napapansin na ng kanilang mga bisita ang mga pilit nilang ngiti. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya rin ang pagngiti ni Kiefer and the photographer took a picture of them smiling genuinely. Medyo, nakahinga siya nang maluwag. May ipang-frame na siyang matino.

After the flower girls showered them flower petals, nagtungo na sila sa sasakyan na maghahatid sa kanila papunta sa reception. Nang makalayo sa simbahan at mga bisita ay marahas na tinanggal ni Kiefer ang kanyang kamay na nakaangkala sa braso nito.

Natigilan siya at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib nang maramdaman ang kirot sa kanyang puso. Mapakla siyang napangiti at tiningnan ang likod ni Kiefer. Nakapamulsa ito at nauna nang pumasok sa sasakyan.

Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa niya pinipigilan bago ito sinundan. Talagang nasa tabi ito ng bintana at halatang ayaw na madikit sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at may bikig na namuo sa kanyang lalamunan. Pinigilan niya na huwag umiyak. Sumasakit ang kanyang lalamunan sa kakapigil ng luha.

Nakarating sila sa reception nang walang imikan. Kagaya kanina, nauna itong maglakad sa kanya at mukhang ayaw talaga siya nitong makita. Bigla niya tuloy naalala ang mga panahon na nahahawakan niya si Kiefer at nakakausap.

Binalot ng kalungkutan ang kanyang puso sa isipang iyon. But, no. She won't cry. She shouldn't cry. Baka ano pa ang isipin ng mga bisita kapag makita siya.

Mabilis siyang naglakad papalapit kay Kiefer. She intertwined her hands with his nang makarating na sila sa tapat ng hall. Akala niya, hahawakan siya nito pabalik pero hindi. He didn't even bother to bend his fingers.

Kita niyang napatingin si Kiefer doon at mahinang napapalatak na para bang gustong-gusto na nitong bawiin ang kamay. Napapikit siya nang mariin at dahan-dahang bumuga ng hangin. Bitterness spidered its way down to her stomach.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon