"ANONG SA tingin mo ang gagawin ko, Kiefer? Ang manatili sa opisina mo gayong binabastos na ako nina Kier at Ben?" Muling tumulo ang kanyang mga luha at nanlalabo na ang kanyang paningin.
Hindi niya na maaninag ang reaksyon ni Kiefer dahil sa kanyang mga luha pero alam niyang nakatingin pa rin ito nang malamig sa kanya. Ramdam niya iyon. Hindi ito nagsalita.
"Hindi mo man lang ako pinagtanggol. . ." her voice trailed off. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad at humagulhol. Talagang wala itong pakialam na bastusin siya ng kapatid at pinsan nito. She heard Kiefer snort. Humalukipkip pa ito.
"Why would I? Pinikot mo ako, Agatha!" singhal nito sa kanya na ikinatalon niya.
Sa nanlalabong paningin, sinalubong niya ang mga mata nito. Mariin niyang pinahiran ang kanyang mga luha at kita niya ang galit at disgusto sa mga mata ni Kiefer. His glares made her heart clench in pain. Sumasakit na ang kanyang lalamunan sa kakaiyak.
"Nagawa ko lang naman iyon dahil. . . " Hindi niya magawang sabihin dito ang totoo.
Paano niya sasabihin dito na pinagbantaan siya ng kanyang mga magulang?
Paano niya sabihin dito na mahal niya ito? At dahil sa pagmamahal niya, kaya nagawa niya itong protektahan?
"Dahil mahal mo ako at nakita mo ang pagkakataong iyon upang matali ako? Tanginang pagmamahal 'yan, Agatha!"
Nanlaki ang kanyang mga mata na napatingin dito. Alam nito? Paano? Hindi niya naman sinabi.
Tumahip ang kanyang dibdib. Mas lalong tumalim ang tingin nito sa kanya.
"Kung mahal mo ako, hindi mo 'yon magagawa!" singhal pa nito na ikinaigtad niya. Napakurap siya at tiningnan ito. Parang naumid ang kanyang dila at napako siya sa kanyang kinatatayuan.
Kiefer took a look at her. Natawa ito nang mapakla at naiiling pa. "What? Akala mo hindi ko nahahalata? Damn, Agatha! Being loved by you is one of the horrible things that I've experienced!"
Nabasag ang kanyang puso sa narinig. Alam nitong mahal niya ito, pero bakit nambabae ito noon sa kanyang harap no'ng hindi pa sila ikinasal?
Mukhang noon pa man, talagang nasisiyahan itong nakikita siyang nasasaktan. And now, he rejected her love.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang tumindi ang kirot sa kanyang puso.
"K-Kief—"
"Shut up! Just. Fucking. Shut. Up! Naririndi ako sa 'yo! Ba't pa kasi kita nakilala? Nakipagkaibigan lang naman ako sa 'yo noon para mapalapit kay Christie but damn!" Napasabunot pa ito sa buhok.
Ramdam niya ang pagkawasak ng kanyang puso. There, lumabas na ang katotohanan mula sa mga labi nito mismo.
Ang sakit. Sobrang sakit.
Napapikit siya nang mariin at napahagulhol.
Gano'n na lang ang gulat niya nang marahas nitong hinablot ang kanyang braso. Nabitawan niya ang kanyang tinake-out galing sa Jollibee.
Kinaladkad siya nito patungo sa sofa at wala itong pakialam kahit matapilok pa siya. Hilam na ang kanyang mga mata dahil sa luha. Magmula pa 'to kanina.
Napangiwi siya nang pabalya siya nitong itinulak sa sofa. Tumama ang kayang ulo sa headrest at biglang tumahip ang kanyang dibdib nang hawakan nito ang dalawang palapulsuhan niya.
Shit. Ano ang pinaplano nitong gawin?
Sinalubong niya ang mga mata ni Kiefer. Punong-puno ng galit ang mga iyon. Tumahip ang kanyang dibdib dahil sa kaba.

BINABASA MO ANG
Cruelly
Genel KurguThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...