“ANAK!” NATUOD siya sa kanyang kinauupuan nang makita ang pagpasok ng kanyang mga magulang.She took a look at the strings on her wrist before her gaze went back to her parents. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari kung bakit niya ginawa ang bagay na ‘yon sa sarili niya pero isa lang ang alam niya: may kinalaman ang kanyang mga magulang dito.
Every time they make her feel unwanted, she plans to kill herself.
Niyakap siya ng kanyang ina pero hindi niya ito ginantihan ng yakap. Nagkasalubong ang tingin nila ni Kiefer. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na asawa niya na ito. May mga pagkakataon na gusto niyang maalala ang lahat, but every time she takes a look at her cuts, bigla siyang natakot.
“Salamat naman at gising ka na, anak,” saad pa ng kanyang ama at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. Hindi lang siya nagsalita. Hindi niya rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin.
Napangiti siya nang mapakla. Ito ang unang beses na tinawag siyang ‘anak’ ng mga ito. Anong nangyari? Doon lang siya tatawaging ‘anak’ kapag malapit na siyang mamatay?
Tinulak niya nang marahan ang kanyang ina na nakayakap nang mahigpit sa kanya at mukhang naramdaman naman ito iyon dahil kaagad itong lumayo. Ngayon lang siya nayakap nito nang gano’n kahigpit. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ngayon.
Her mom cupped her cheeks. Tiningnan siya nito gamit ang malalamlam na tingin.
“Dinalhan ka namin ng paborito mong prutas, anak. ‘Di ba, gusto mo ng dragon fruit? Season ng dragon fruit ngayon,” pagkukuwento pa nito at bakas pa ang saya sa mga mata.
Muling nagkasalubong ang tingin nila ni Kiefer. He looked at her worriedly and she just smiled at him before turning to her parents.
"Favorite po 'yan ni Ate Christie noon. Mangosteen po ang paborito ko."
Nawala ang ngiti nito sa mga labi. Natahimik ang kwarto at kita niyang namula ang mga pisngi ng ina dulot ng pagkapahiya. Muli siyang nagsalita,
“Bakit po kayo nandito?” tanong niya sa mga ito. Nakita niyang natigilan ang kanyang mga magulang sa narinig. Ang kanyang ama naman na kasalukuyang nilalagay ang mangosteen sa mesa ay napatingin sa kanya.
“At bakit niyo po ako tinatawag na anak? ‘Di ba, si Ate Christie lang ang anak niyo?”
Bumaha ang lungkot sa mata ng mga ito. Nakita niyang bumabadya na ang luha sa mata ng kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay napayuko.
“A-Anak—“
Her mom tried to reach for her hand pero iniwas niya ang kanyang kamay mula rito at tinago iyon sa loob ng comforter. Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ng kanyang mga magulang.
“Agatha, anak, gusto naming bumawi sa iyo,” sambit pa ng kanyang ama. Natawa siya nang mapakla.
“Ngayong muntik na po akong mamatay? Mawalang galang na po, pero you could have done that thing ages ako, no’ng mga panahong gusto-gusto kong kumapit at lumaban, umaasa na sana, tingnan niyo rin ako at hindi lang si ate Christie, but I guess I’ve had enough.” Malungkot siyang napangiti at nagbaba ng tingin sa kanyang palapulsuhan. She traced her scars and she could see how deep the cuts she made were.
Binalingan niya ang kanyang mga magulang. Sumisikip ang kanyang dibdib habang kaharap ang mga ito.
“Tinuturing niyo lang po pala akong anak kapag muntik na akong mamatay. Kung gano’n, eh, 'di sana noon ko pa ito ginawa. Sana, namatay na lang talaga ako nang tuluyan kasi mukhang iyon din naman ang gusto niyong mangyari.”

BINABASA MO ANG
Cruelly
Ficción GeneralThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...