QU

7.8K 268 33
                                    

Huhu dami gusto di magka-amnesia si Agatha lalo na dun sa dreame HSHAHSHAH Sorry mga sismars! Natapos ko na kasi tong story. Daily updates ko na lang para paghandaan ko ang story ni Jester. Dami ko babaguhin kung di ko ipa-amnesia.

Balak ko sanang ipa-amnesia siya at talagang wala siyang maalala ni isa para talagang maghirap sa pagsuyo ang gago pero ayaw ko namang pahirapan pa si Agatha 🤧

-----

“HOY, GAGO. Gising!”

Nagising si Kiefer nang may kamay na sumundot-sundot sa kanyang ilong. Kumunot ang kanyang noo at nagbukas ng mga mata. Kita niya ang mga mata ni Agatha na nakatunghay sa kanya.

Napapikit siyang muli. Ang aga-aga naman nitong manggising. Ano ba ang problema ni Agatha at. . .

     Gising na si Agatha?

     Napabalikwas siya sa kanyang kinauupuan at tiningnan si Agatha na ngayon ay bahid ang pagtataka sa mga mata. Binundol ng kung anong emosyon ang kanyang dibdib.

Gising na si Agatha!

Nanlaki ang kanyang mga matang tiningnan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang ire-react. Tila namanhid ang kanyang katawan.

     “Hoy!” Agatha snapped her fingers in front of him kaya napakurap siya.

“Bakit ako nandito? Ano ba'ng nangyari sa akin?” tanong pa nito at hinawakan ang ulo na may benda.

Nahigit niya ang kanyang hininga at may umusbong na saya sa kanyang puso. Do’n lang siya tuluyang nakagalaw dahil sa sinabi nito.

     “I-I’ll c-call the doctor,” nauutal niyang saad habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito.

Kita niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi na sugatan dahil sa mga suntok na natanggap niya. Umiling-iling naman ito habang nakatingin pa rin sa kanyang mga labi.

     “Huwag, dito ka muna. Sagutin mo muna ang tanong ko,” saad nito nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mga labi. Finally, she met his gaze.

Tumahip ang kanyang dibdib nang makita ang mga inosenteng mata nito at parang kiniliti ang kanyang puso.

“Anong nangyari sa ‘yo at ano ang nangyari sa akin?”

Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Amnesia. Agatha is currently experiencing amnesia.

Mali ba kung makadama siya ng saya dahil sa sitwasyon nito?

     “You had an accident and my lips, wala lang ‘to. Nagkainitan lang kami ni Travis pero okay na kami ngayon. Knoxx settled the issue.” Napangiwi pa siya no’ng sumakit ang kanyang sugat. Natawa naman si Agatha nang marinig ang kanyang sinabi.

     “Buti nga sa ‘yo! Gago ka kasi, eh! Akala ko pa naman, mga babae mo ang sumuntok sa ‘yo,” natatawang saad nito. He could see genuine happiness in her eyes. Napangiti siya. He missed his Agatha. Na-miss niya ang kakulitan nito at ang pang-aasar nito sa kanya.

     “Oo nga, eh. Gago kasi ako,” mahinang saad niya rito at nagbaba ng tingin. Gago siya kasi nasaktan niya ito at hindi iniisip ang nararamdaman nito. Sobrang gago niya. 

     Muli siyang napatingin sa mga mata nito at nagwala naman ang kanyang dibdib. Damn. He didn’t expect that Agatha would make him feel this way.

“Tatawagin ko muna ang doctor, okay? Will you be okay here?” he asked gently. Hinaplos niya pa ang ulo nitong nakabenda. Kita niya ang pagtataka ni Agatha sa kanyang inakto pero sunod-sunod lang itong tumango.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon