"SHIT!" KUMAWALA mula sa kanyang mga labi ang isang malutong na mura nang ma-delete ang dalawang line ng code. Shit talaga!
Kita niya ang pagtingin ni Kiefer sa kanyang gawi nang marinig siya pero hindi niya ito pinansin.
Kagat-labi niyang inulit ang dalawang code na iyon habang pinipigilan na huwag mainis. Tangina naman. Okay na sana 'yon, eh! Buti dalawang lines lang. Talagang magwawala siya kung babalik siya sa una.
She ran her fingers through her hair before continuing the code. Mukhang wala siya sa focus masyado. May mga pagkakataon talaga kasi na pumasok sa kanyang utak ang sinabi nito kagabi.
Alam din ni Kiefer ang nararamdaman niya para rito.
She lets out a sigh. Ang saklap. Alam nito ang nararamdaman niya pero nakuha pa rin nitong saktan siya sa pamamagitan ng mga pambabae nito noon. Mukhang wala talaga siyang halaga para rito.
Kinaibigan nga lang siya dahil kay ate Christie niya, eh.
Mapakla siyang napangiti at napagdesisyunang ialis iyon sa kanyang isipan. Kailangan niya nang matapos itong code upang makaalis na sa opisina ni Kiefer.
Nang ma-save niya na ang dalawang linya ng code na na-delete niya kanina ay napatingin siya sa orasan na nasa ibabang parte ng PC.
Alas-dose y media na pala. Kaya pala kumakalam ang kanyang tiyan. Hindi niya namalayan ang oras. Hindi pa rin sila kumakain ni Kiefer.
Napatingin siya kay Kiefer na abala rin sa pagpipirma ng paperworks nito. Muli siyang nagbaba ng tingin at saka kinuha ang kanyang purse.
Bibilhan niya ba ito ng pagkain? Pero baka aandar na naman ang hyper nito.
Kung hindi pa rin nito kainin ang binili niya, bahala itong magtiis! Hindi niya naman ito pinipilit.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglikha iyon ng nakakabasag-pinggan na ingay. Napangiwi siya at napatingin kay Kiefer na nakatingin din sa kanya. Kunot ang noo nito na tila ba nagtataka kung saan siya pupunta. She cleared her throat.
"I'm going to buy us food," ani niya at nagmamadaling lumabas. Baka aangal pa ito at mas piliin na lang na magutom kesa bilhan niya ng pagkain.
Napabuntonghininga na lang siya at tumingin sa place ni Miss Venice. Pansin niyang wala ito sa pwesto. Baka nag-lunch na.
Pumasok na lang siya sa elevator at pinindot ang ground floor kung nasaan ang cafeteria. Muling bumukas ang elevator sa kung saan ang floor ng IT Department at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita si Harry.
"Agatha," masayang ani nito at mabilis na pumasok. Bakit mag-isa lang ito? May dala bang lunch sina Jake at Paul?
"Mag-isa ka lang yata?" tanong niya rito. Kita niyang napatango-tango ito sa kanyang sinabi.
"Oo, eh. Nauna na silang kumain. Naiwan ako roon kasi nilagay ko pa sa database ang mga bagong kliyente natin. Marami-rami kasi, eh." Napakamot pa ito sa batok. Napangiwi tuloy siya.
Trabaho niya kasi sana iyon pero sinalo ni Harry.
"Sorry, Harry. 'Di bale, kapag tapos na ako sa pinagawa ni Kiefer, magiging maluwag-luwag na ang oras mo at magkakaroon ka na ng time," saad niya rito.
Harry smiled sheepishly. Her eyebrow arched. Ano na naman kaya ang banat na sasabihin nito?
"Oo nga, eh. Magkakaroon na ako ng time na harutin ka."
Malakas siyang natawa sa sinabi nito and Harry laughed along with him. Ewan niya na lang kay Harry. Alam niya namang hanggang crush lang ang pagtingin nito sa kanya at confident siya na hindi iyon lalalim.
BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...