QY

7.9K 266 28
                                    

"WE NEED ate Agatha's statement para makulong kami but ate Agatha is still asleep kaya ayon, hindi naniwala ang mga pulis. Kailangan daw ng statement ng biktima," malungkot na saad ni Ben. Pagkaumaga kasi no'ng gabing naaksidente si Agatha ay isinuko nito ang mga sarili sa pulis. Galit na galit ang mga magulang ni Ben at galit na galit din sa kanila ang mga magulang nila dahil sa kanilang nagawa at halos itakwil na sila ng mga ito.

Tatanggalan na nga sana sila ng mana kung hindi lang pinigilan ng nanay niya ang kanyang ama. Ani nito, wala raw magha-handle sa mga kompanya kung gano'n.

Sa totoo lang, wala na siyang pakialam kung tatanggalan siya ng mana at kung kakasuhan man siya ng rape. Ang gusto niya sa panahong ito ay ang magising si Agatha upang makabawi siya sa karantaduhang pinanggagawa niya rito.

"Once ate Agatha wakes up, alam kong magfa-file siya ng case and we shouldn't stop her because she has every right to do so," ani pa ni Kier na bakas sa boses ang pagsisisi.

Hindi na lang siya nagsalita. Hindi na niya pinapansin ang mga ito at mukhang naiintindihan naman siya nito. Hindi niya rin ito tuluyang pinalapit kay Agatha.

They can look, but they can never touch Agatha.

"Oh, ayan. Nagkausap na kayo. Pwede na kayong umalis," pagtataboy ni Christie sa mga ito. Dumalo muna ito kay Agatha at napagdesisyunang tumambay muna rito kasi baka raw ano ang gawin niya.

Hindi na lang siya nagsalita. Ramdam niya pa rin kasi ang galit ni Christie sa kanya.

Napatingin sila sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang mga magulang ni Agatha kasabay ang mga magulang niya. Natigilan pa ang mga ito nang makita si Kier at Ben.

Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng nanay ni Agatha. Bumaha ang galit sa pagmumukha nito at kumuha ng prutas saka itinapon kay Kier.

"Wala kang hiya!" nanginginig na ani nito at binato na naman ng prutas si Ben. Sapol ang mga ito sa mukha pero nakayuko lang ito at hindi pinipigilan si Mrs. Romero.

"Bakit niyo nagawa iyon kay Agatha?" Itinapon na nito ang lahat ng nahahawakan at pinigilan naman ito ni Christie.

Hinayaan lang ng kanyang mga magulang na magwala ito. Malamig pa nga itong nakatitig sa kanila. Nagbaba na lang siya ng tingin. Naiintindihan niya naman ang galit nito.

"Tama na, Mommy." Akmang magtatapon pa ito nang mabilis itong niyakap ng asawa. Bumabadya ang mga luha nito sa mata at galit na tinapunan ng tingin sina Ben at Kier. Napatingin si Christie kina Kier at Ben.

"Umalis na kayo," Christie tiredly said. Nakayuko naman itong nagsilabasan.

Pinulot niya muna ang mga itinapon ng nanay ni Agatha at nilapag ito sa sahig bago nagmano sa mga ito. Tinabig lang ng kanyang ina ang kanyang kamay kaya natigilan siya. Ang kanyang ama naman ay nagtaas ng kamay, senyales na huwag niyang ituloy ang balak niyang gawin.

Nagbaba na lang siya ng kamay at tumungo. He gritted his teeth upon feeling pain. Ang sakit pala sa pakiramdam na para kang itinakwil ng sarili mong magulang. Naiintindihan niya naman ang mga ito.

He looked at Agatha, remembering the times he rejected her and her love. Mas lalong tumindi ang kirot sa kanyang puso. Wala talaga siyang kwenta.

"Tulog pa rin po si Agatha," he informed them. Malungkot na napangiti lang ang mga magulang ni Agatha habang ang kanyang mga magulang naman ay hinaplos si Agatha.

Nakikita niya talaga kung paano pinapahalagahan ng kanyang mga magulang si Agatha na para bang tunay na anak na nito ang kanyang asawa.

Napahawak siya sa pendant ng kanyang kwintas. It's Agatha's ring. Pinatanggal kasi ito ng doctor no'ng sumailalim ito sa operasyon. Hanggang ngayon, hindi niya magawang ilagay iyon. Pakiramdam niya kasi, mali, eh. They married each other out of what happened, not out of love.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon