QQ

7K 305 25
                                    

MULA SA masayang tawanan na nasa mesa, kita niyang unti-unting nawala ang ngiti nina Ben at Kier nang makita siya. Napatingin pa ang mga ito kay Kiefer na naunang maglakad sa kanya at muli siyang tiningnan na may halong pang-uuyam.

"Kuya, Ate," napipilitang bati ni Kier. Pinasadahan pa siya nito saglit ng isang malamig na tingin bago umupo nang maayos.

"Congrats, Kier," bati niya rito. Kier just let out a forced smile. Napangiti siya nang mapakla. Sasanayin niya na lang ang kanyang sarili. Masasanay rin siya sa paglipas ng panahon.

Napatingin siya sa mesa at may nakahanda na rin na mga pagkain, puro masasarap, pero wala siyang gana na i-appreciate iyon. Masyadong matindi ang sakit sa kanyang puso.

Magkatabi naman silang umupo ni Kiefer sa tapat nina Kier at Ben. Katapat nila ang mga pinsan nito at nakita niya pa si Olive na kinawayan siya.

She waved back and smiled at him. Sa tabi naman ni Kiefer ay ang mga magulang nito. Nakatingin lang sina Kier at Ben sa kanya na ikinailang niya. Si Kiefer naman, parang wala lang nakita.

"Sana all na-close ang deal," ani ni Olive at kumuha ng pagkain. Natawa naman si Kier sa narinig at gano'n na lang ang ginhawa niya nang magbawi na ito ng tingin. Si Ben naman ay tahimik lang na kumukuha ng pagkain.

"Chamba, bro," Kier replied. Pansin niyang hindi pa rin gumagalaw si Kiefer at abala ito sa pagce-cellphone.

Nagbaba siya ng tingin at kita niyang nasa community feed ito na ikinahinga niya nang maluwag. Mukhang natakot talaga ito sa pagbabanta niya which is good. Hindi niya inakalang magagamit niya ang kanyang skills dito.

Kinuha niya ang sandok at nilagyan ng pagkain at kanin ang plato ni Kiefer. Ramdam niyang natigilan ito sa kanyang gilid at ramdam niya ring napatingin sina Kier at Ben sa kanya. Umani naman ang tuksuhan sa kanilang paligid lalong-lalo na sa mga pinsan nito.

"Ang sweet naman," ani ni Ben at hindi nakaligtas sa kanyang pandinig na may halo iyong pang-uuyam. Hindi niya na lang ito pinansin.

Naghagikhikan naman ang mga magulang ni Kiefer. She just smiled at everyone in the table and put foods on her plate. Nagsimula na silang kumain and Kiefer just said nothing.

"Finally, nagkatuluyan na rin kayo ni ate Agatha, Kuya!" sambit ni Jessa, isa sa mga pinsan na babae ni Kiefer. Nakatingin sa kanila ang mga biluging mata nito at may malawak na ngiti na nakaukit sa mga labi.

"Paanong hindi? Eh, alam niyo namang. . ."

Napatingin silang lahat kay Kier. Kumabog nang malakas ang kanyang puso nang makita ang nang-aasar na ngiti nito sa labi. Nahigit niya ang kanyang hininga at humigpit ang kanyang hawak sa kubyertos.

"Kier," nagbabantang ani ni Olive habang nakatingin kay Kier.

Natahimik naman ang lahat sa mesa habang hinihintay kung ano ang sasabihin ni Kier. Patindi nang patindi ang kanyang kaba at si Kiefer, hindi man lang sinita ang kapatid. Shit. What will Kier say?

". . . kung gaano kamahal ni Ate Agatha si Kuya, 'di ba? Buti, lumambot na si Kuya."

Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang sinabi nito. Nakatanggap naman sila ng samo't saring tuksuhan.

Nagbaba na lang siya ng tingin. Alam niya naman kung ano ang sasabihin nito, eh, kung wala lang ang mga pinsan nito. Tungkol sa pagpikot niya kuno kay Kiefer.

"Kailan niyo bang balak na bigyan kami ng apo, mga anak?" nakangiting ani pa ng tatay ni Kiefer.

Muntik na siyang mapangiwi nang marinig ang sinabi nito. Mas lalong lumakas ang tuksuhan sa kanilang paligid.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon