HINDI NIYA na alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Takbo lang siya nang takbo.
Pansin niyang pinagtitinginan siya ng ilang mga tao pero wala na siyang pakialam. Sobrang skip ng kanyang dibdib and she wants to let these emotions out. She needs to let these out. Kinakapos ang kanyang hininga nang makarating siya sa playground malapit sa kompanya ni Kiefer.
Pinahirin niya ang kanyang mga luha na patuloy sa pagbagsak. Nanlalabo na rin kasi ang kanyang paningin. Mabuti at walang tao rito.
Humagulhol na siya nang tuluyan at sinubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Kumikirot ang kanyang puso.
Hindi niya kayang depensahan ang kanyang sarili kanina kasi alam niyang hinding-hindi makikinig ang mga ito. Sarado ang utak nila sa kanyang eksplenasyon.
Gusto niya mang depensahan ang sarili, pero wala namang magagawa ang pagdepensa niya, eh. Galit ang mga ito sa kanya.
"Fuck," malutong niyang mura at tinapik-tapik ang kanyang dibdib na sumisikip. Nahihirapan na siyang huminga at sobrang sakit ng kanyang lalamunan.
Mariin niyang pinahiran ang kanyang mga luha at kinalma ang sarili. Hindi niya alam kung pupunta pa ba siya sa kompanya ni Kiefer. Mukhang wala siya sa kondisyon upang gawin iyon.
Bumuga siya ng hangin at napatingala. Sinalubong siya ng mga berdeng dahon. Nasa ilalim kasi siya ng punongkahoy, eh, at may swing sa ilalim nito kung saan siya nakaupo.
Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit siya upang hindi mapasukan ng alikabok ang kanyang mga mata. Papasok kaya siya ngayon at ipagpatuloy ang ginawa niya?
Sa isipang baka nando'n pa sina Kier at Ben, biglang nagbago ang kanyang isip. Huwag na lang pala. Baka bukas.
"Agatha?"
Nagmulat siya ng mga mata nang may tumawag sa kanyang pangalan. Lalaki iyon.
Bumungad sa kanyang harapan si Olive na nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Kunot ang noo nito na para bang nagtataka kung bakit siya nandoon sa swing. Palipat-lipat ang tingin nito sa building ni Kiefer at sa kanya.
"Hey, Olive." She gave him a small smile.
Naglakad naman ito papalapit sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito sa mukha at kita niyang lapat na lapat ang mga labi nito na tila may ideya sa kung ano man ang nangyayari sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at mahinang ginalaw ang swing.
"Anong nangyari at bakit ka nandito?" Umupo ito sa katabi niyang swing. "I was about to go to Seven Eleven beside Kiefer's company nang makita kita rito. Huwag mong sabihing pinaalis ka ni Kiefer," wika nito na may bahid pa na inis at galit. Umiling siya.
"Hindi naman. Something just. . . happened," mahinang sagot niya kay Olive, sapat lang upang marinig nito.
Narinig niyang nagpakawala ito ng marahas na hininga.
"I don't believe you. Namamaga ang mga mata mo and your nose is red as hell. I know, something happened between you and Kiefer. Why don't you file an annulment?" ani pa nito kaya napatingin siya rito. Bakas ang inis sa mga mata ni Olive. Natawa siya at napailing-iling.
"Ano naman ang grounds? Wala naman akong ebidensya na nagloko siya at simula no'ng nagpakasal kami, he didn't fuck any woman. Hindi niya rin ako pinagbuhatan ng kamay. Isa pa, alam mo naman ang sinabi ng parents ko, 'di ba?" Binalingan niya ng tingin si Olive.
Tiningnan siya nito na may awa sa mga mata. Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang kinaaawaan siya.
"Don't look at me like that, Olive. Choice ko 'to. Don't. . . pity me." Kinagat niya ang pang-ibabang labi.
BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...