R

6.2K 268 36
                                    

SHE LOOKED at her own reflection. Hilam ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak kagabi at halata ang pamumugto ng mga ito. Muli niyang naalala ang nasaksihan niya kahapon.

Kiefer weeping in front of her, and telling her that she will never be her sister.

Mapakla siyang natawa at napailing. She knows that, yet it hurts to hear that from her own husband.

Tanggap niya sana kung pamilya niya ang nagsabi no'n because she's used to them being like that, but Kiefer. . .

Inalis niya na lang iyon sa isip at napatingin siya sa orasan. Alas-seis pa lang ng umaga pero gising na siya. She needs to cook. Papasok kasi sila ngayon.

Kiefer's father tried to give them a two-week-vacation para raw sa honeymoon no'ng araw na nag-usap sila tungkol sa pagpapakasal but Kiefer refused. Magtatrabaho na lang daw ito dahil maraming gagawin sa kompanya.

Instead na sa kompanya nila magtatrabaho, pinalipat siya ng kanyang mga magulang sa kompanya nina Kiefer. Nasa IT Department siya at isa siya sa mga taong nagha-handle ng website ng kompanya nito. Kapag may naka-access sa security code ng system nila, isa siya sa mga taong gumagawa ng paraan upang mas higpitan ang code no'n.

Naghilamos siya ng mukha at sinabunan iyon. Nagsimula na siyang mamroblema kung ano ang gagawin niya sa mga mata niyang hilam.

She sighed and washed her face with water. Pinahirin niya ang kanyang mukha pagkatapos.

Paano niya kaya haharapin si Kiefer ngayon?

She shook her head. Nagpasya na siyang lumabas sa banyo at bumaba upang magluto. Bahala na kung ano ang mangyari.

Pagkababa niya, sobrang tahimik ng bahay. Her mind went to Kiefer. Kumusta kaya ang tulog nito? Paniguradong magkakahang-over ito.

She started to get the ingredients from the refrigerator. Pagkatapos mahanda ang lahat ng iyon ay nagpasya na siyang magluto ng hangover soup at escabeche. It's one of Kiefer's favorite meal. Gusto rin nito ng initlogang sardinas at allergic ito sa corn.

Yep, alam niya ang lahat ng 'yon. Matagal na silang magkasama at sa tagal nila, ngayon lang nagbago ang trato nito sa kanya.

Well, she can't blame Kiefer.

Nang matapos siya sa paghahanda ay siya namang pagbaba ni Kiefer. Nag-iwas siya ng tingin nang makita ang katawan nito.

Unang beses niyang nakita ang hubad na katawan nito nang may nangyari sa kanila. Papungas-pungas pa ito habang papasok sa dining room. Natigilan ito nang makita siya.

Ngumiti naman siya rito at akmang hahalikan na ito sa pisngi nang itinaas ito ang kamay para patigilin siya. Napalis ang kanyang ngiti sa labi.

Napakurap siya at sinundan ito ng tingin. Kiefer sat on the chair. Binalot ng sakit ang kanyang puso sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya.

Naramdaman niya ang mga luhang bumabadya sa kanyang mga mata kaya mariin siyang napalunok.

Hindi siya iiyak. Hindi dapat siya iiyak.

Hindi niya ipinahalata rito na nasasaktan siya at umupo sa tapat nito. Kinakain na nito ang hangover soup kasabay ng escabeche.

Napatalon siya sa gulat no'ng pabagsak na inilapag ni Kiefer ang mga utensils nito sa plato. Naglikha iyon ng malakas na ingay.

Gulat siyang napatingin dito. Hindi ba nito nagustuhan ang pagkain? But he likes escabeche! Imposibleng hindi.

"Nananadya ka ba talaga? Alam kong alam mo na ayaw kitang makita and yet, here you are." Binigyan siya nito ng tingin na nang-uuyam.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon