QE

7.9K 284 41
                                    

NAPAAYOS NG upo si Kiefer no'ng pumasok ang mga magulang ni Agatha. Kasama pa nito si Christie.

Naalala niya pa noon. Kapag nakikita niya si Christie, tatalbog ang puso niya. Matutulala siya at wala siyang ibang nakikita kundi ito. Sobrang ganda kasi nito, eh.

Christie has a heart-shaped face and plump lips. She has a set of portruding eyes and thick eyebrows. Mataray ang itsura nito pero mabait naman. But now, Kiefer feels nothing at the sight of Christie.

Gumawi ang tingin niya sa mga magulang ni Agatha at kita niyang bumaha ang pag-alala sa mukha ng mga ito. Bigla siyang nakonsensya.

Sinaktan niya ang anak nito.

Winasak niya si Agatha at binatuhan niya ito ng masasakit na salita.

Inakusahan niya pa ito ng mga bagay na wala namang katotohanan.

Sumikip ang kanyang dibdib pero kahit gano'y nagawa niya pa ring magmano sa mga magulang nito. Nahiya siya sa kanyang sarili. Ang kapal ng mukha niya.

"Anong nangyayari kay Agatha, Kiefer?" Christie asked him. Umikot ito upang pumunta sa gilid ni Agatha. Nasa tapat niya ang mga ito.

Hinawakan naman ng ginang ang kamay ni Agatha na naka-dextrose. Napayuko siya sa narinig.

"Naaksidente," simpleng wika niya. Hindi niya makayanan na sabihin nito na nagawa ni Agatha na mag. . . na mag. . . pati nga sa isip hindi niya magawang sabihin. Kumikirot ang kanyang puso at pinapaalala lang ng mga sugat nito kung gaano siya kagago.

"Nangangayat si Agatha, Mommy," malungkot pa na sambit ni Christie. Binaha ng lungkot ang kanyang puso.

Alam niya naman kasi na isa siya sa dahilan kung bakit ito nangangayat. May mga pagkakataon na hindi ito makapag-breakfast dahil sa kanya. Idagdag pa na sinasaktan niya ito kaya siguro wala itong masyadong gana na kumain.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan na huwag mapaiyak.

"What is that?" natarantang ani ng ama ni Agatha. Mabilis itong tumabi sa kanya at hinawakan ang palapulsuhan ni Agatha.

Umusbong ang kaba sa kanyang dibdib at rinig niyang nagsinghapan ang mga tao sa kanyang paligid. Napayuko siya. Alam niyang tatanungin siya ng mga ito.

"Kasalanan niyo ito, eh!"

Napatingin silang lahat kay Christie dahil sa inusal nito. May bahid na inis ang mga mata nito habang nakatingin sa mga magulang.

"You make Agatha feel unwanted! Alam niyo po ba? Kapag nag-usap kami, parati niyang sasabihin na sana, mahalin niyo rin siya. Na sana, tatawagin niyo siyang anak. Na sana, susuportahan niyo siya kung ano ang gusto niya. Pakiramdam niya, wala siyang mga magulang dahil sa pinanggagawa at pinaramdam niyo sa kanya!

Ako lang ang tanging karamay ni Agatha! And every time kakausapin ko kayo tungkol kay Agatha, bigla niyong iibahin ang usapan na para bang ayaw niyong pag-usapan natin siya! Mommy, Daddy, anak niyo rin po si Agatha! Hindi lang ako ang anak niyo! Treat us fairly!

You know what? I'm very proud of Agatha for following her dreams instead of going to the path that you set for her! Malaki na si Agatha, mommy, daddy! You should let her decide and support her!

Many times, sinabihan niya ako na gusto niya nang mamatay! She just said it jokingly kaya panatag ang kalooban ko but now? That scar is too deep! Nagawa niya iyan dahil sa inyo!" singhal ni Christie. Natigilan siya sa narinig at impit siyang napaiyak. Rinig niya ring napahagulhol ang mga magulang ni Agatha. Wala na nga siyang kwentang asawa, pati ba naman kaibigan? Hindi niya alam na pinagdadaanan pala iyon ni Agatha. Hindi man lang siya nagtanong. Akala niya, kilala niya na ito nang lubusan. Bigla siyang nakadama ng inis sa mga magulang nito. Anong klaseng magulang ang mga ito?

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon