“MAHAL?” UMAWANG ang kanyang mga labi nang makita si Agatha. Nasa gilid ito ng cabinet at nakahawak sa ulo nito.
Nanlaki ang mga mata nito at luhaan ang mga pisngi. Bumangon ang pag-alala sa kanyang dibdib. Anong nangyayari sa asawa niya?
Tiningnan niya ang sahig. Nagkalat doon ang mga gamit na nakalagay sa tuktok ng cabinet. Mas lalong tumindi ang kanyang kaba. Napuruhan ba ang ulo nito?
Mabilis niyang inilagay ang kanilang mga pagkain sa mesa. Tinawid niya ang distansya nila upang sana’y tingnan ang ulo nito pero gano’n na lang ang kanyang gulat no’ng umatras si Agatha.
Sumikip ang kanyang dibdib nang makita ang takot sa mga mata nito at ang kanyang pag-alala ay napalitan ng kaba. Shit. Shit.
Sana, mali ang iniisip niya! Hindi pa siya handa.
“M-Mahal. . .”
“Huwag kang lalapit! And don’t fucking call me that way, Kiefer!” mariing ani nito at bakas ang galit at takot sa mga mata.
Natuod siya sa kanyang kinatatayuan at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang kanyang mga luha. Dumating na ang kinatatakutan niya.
“Agatha—“ Muli sana niya itong lalapitan pero malakas itong sumigaw na ikinatigil niya.
Muli itong umatras. Kita niya ang panginginig ng katawan nito. Mas lalong lumakas ang hagulhol nito habang nakatingin sa kanya.
Tila sinuntok ang kanyang puso sa nakita at mas lalong sumikip ang kanyang dibdib. Fuck.
He did this to Agatha.
Nagbaba siya ng tingin at naramdaman niya ang pagkabasa ng mga pisngi dahil sa luha. Ang sakit, tangina.
Muling bumalik ang pagsisisi sa kanyang puso. Muli niyang naalala ang mga masasakit na salita na binitawan niya kay Agatha na naging dahilan upang mas mapaluha siya. Bakit ba kasi ang gago niya? Masaya na sana sila.
“A-Agatha, h-hindi na kita s-sasaktan. . .” humina ang kanyang boses at tuluyan na siyang napaiyak.
Ang kanilang pagtangis lang ang kanyang maririnig. Parang tinutusok ang kanyang puso dahil sa iyak ni Agatha. Iyak na dulot ng sakit. . . sakit na siya ang dahilan.
Naramdaman niya ang pananakit ng lalamunan sa kakaiyak at lumabo na ang kanyang paningin.
“Putangina, Kiefer! Minahal lang naman kita! Bakit mo nagawa sa akin ang mga bagay na ‘yon? Bakit. . . bakit mo ako winasak?”
Nakita niyang tinampal-tampal nito ang dibdib. Mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. Napahagulhol siya sa narinig. Bakit niya ito winasak? Bakit niya nagawa iyon kay Agatha?
“S-Sorry,” iyon lang ang tanging nasabi niya. Kulang pa ang sorry niya sa lahat ng nagawa niya kay Agatha. Kulang pa ‘yon.
Tumingala ito at napatingin sa kisame. Namumula na ang mukha nito at ang ilong dahil sa pag-iyak. Tila pinunit ang kanyang puso habang nakatingin dito.
“Kiefer naman, eh. You made me feel so fucking worthless and always compared me to my sister! Sobrang gago mo!”Kumuha ito ng bagay na nahulog sa sahig at itinapon sa kanya. Tumama iyon sa kanyang balikat pero parang wala siyang naramdamang sakit. Mas grabe ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Para siyang sinasakal sa sakit na nadama.
“Ang sakit mong mahalin!”
Napapikit siya nang marinig ang sinabi nito.
Muli siya nitong tinapunan ng kung ano. Nagwawala na si Agatha. Kahit alam niyang galit ito sa kanya, mabilis niya itong nilapitan at niyakap nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Cruelly
Fiksi UmumThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...