After 3 years
Frankurt, Germany
“KIETHO, HUWAG makulit.”
Kanina pa kasi takbo nang takbo ang anak niya sa playground and yes, nagbunga ang nangyari sa kanila ni Kiefer. She already told Kiefer about Kietho. Hindi naman kasi siya bumabali ng pangako.
She has been sending him pictures of Kietho. Hindi niya rin naman itinago ang address niya rito. Minsan, mararamdaman niya pa ang mga mata nito pero hindi niya naman ito nakikita.
No’ng nagbuntis pa nga siya, parating may basket na naglalaman ng prutas sa tapat ng kanyang bahay. She couldn't see him, but she could feel his presence. Kiefer wants too see his son. Mabuti na lang at talagang sinunod nito ang kanyang sinabi na hindi muna siya lalapitan.
“Juskong bata ka! Tingnan mo, oh. Pawis na pawis ka na.” Kinuha niya ang bimpo na dala at pinahiran ang likod nito. Itinabi muna nito ang laruang bitbit. Kanina pa kasi ito nakikipaglaro sa ibang mga bata. Hinihingal na rin ang kanyang anak.
Binihisan niya muna ito ng t-shirt bago pinainom ng tubig. Kietho is already two pero sobrang kulit na nito!
“Mommy, did you already tell daddy that I like his gift?” Kinuha nito ang laruan na nilapag nito at saka pinaandar na naman. Iyon ang binigay ni Kiefer dito kahapon.
Ngumiti na lang siya at hindi sinagot ang anak. Alam naman ni Kiefer na nagustuhan ni Kietho ang binili nito. Right now, naramdaman niya na may nagmamasid sa kanila. She knows it’s Kiefer. Ewan kung saan ito nagtatago ngayon.
“Kietho! Let’s play again! I like your car!” saad ng batang halatang taga-Britain base sa accent nito.
Kietho ran towards his friend. Pinagmasdan niya lang ito na naglalaro. Napailing na lang siya. Mukhang pagpapawisan na naman ang kanyang anak. Buti na lang, apat na extra t-shirts ang dinala niya. Mabuti nang sigurado!
She sighed and hugged herself. Maaraw rito but the air is cold. Frankurt’s a good place at kahit na matagal na siya rito, she never bothered to study German. Ewan. Wala siyang time, eh. Ang sakit din sa ulo. Busy siya sa pag-aalaga kay Kietho. Buti na lang, may mga Filipino restaurants doon sa tinitirahan niya.
Napatingin siya sa kalangitan. She smiled, feeling at peace. Magaling na ba siya? Yes, she’s healed. Three years ago, she found Jesus. Her feet, bringing her in front of the church, was really meant to happen. Parang naging calling niya iyon na manalig kay Jesus because Jesus heals.
Napangiti siya. Her journey towards healing is not that easy. May mga pagkakataon na maalala niya pa rin iyon, but with Jesus and Kietho by her side, God made it possible.
Napahawak siya sa kanyang singsing. Suot niya pa rin ang kanilang wedding ring. Hindi niya naman hinuhubad iyon. She admits, she misses Kiefer. Pero handa na ba siyang makita ulit ito? Hindi niya alam. She has been praying it to God along with Kiefer’s healing and of course, her healing.
“Mom, what are you thinking?”
Napatingin siya kay Kietho. Her son cupped her cheeks. She could see Kiefer’s eyes and her eyebrows in Kietho. Pinanggigilan niya ang pisngi ng anak at binigyan ng ngiti.
“I was thinking about your lola and lolo. Pupunta raw sila rito next week. What do you want?”
Nagliwanag naman ang buong mukha ng anak at pumalakpak pa ito. Na-miss daw kasi ng kanyang mga magulang si Kietho. Kietho jumped out of joy.
“Mommy, I want mangosteen!”
Natawa siya. Mukhang namana ng kanyang anak ang hilig niya sa prutas na iyon. Well, doon niya rin naman pinaglihi si Kietho.
BINABASA MO ANG
Cruelly
قصص عامةThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...