SHE FLEXED her fingers after an hour of coding. Napapagod na rin ang kanyang mga daliri sa pagtitipa! Hinigpitan niya kasi ang security nang makitang may nagtangkang mag-access sa kanilang private system kung saan naka-store ang mga importanteng files ng kompanya.
Naglagay na rin siya ng code na kung may magtangkang mag-access man ulit sa system nila ay 'matic makaka-open ito ng isang virus na maging dahilan upang mag-crash ang laptop nito.
She smiled, feeling proud of herself.
"Tapos ka na?" tanong ng kanyang ka-workmate na si Paul.
Halos puro lalaki ang ka-workmates niya at dalawa lang silang babae. 'Yong isa ay matanda at ito ang head sa department nila. Siya naman ang pangalawa.
She nodded at Paul at bumakas ang paghanga sa mga mata nito. Sa kanya kasi na-assign ang pagbantay sa system.
"That quick?" tanong pa ni Harry na narinig ang usapan nila ni Paul. Umawang pa ang mga labi nito at tiningnan ang PC.
She just nodded her head and their eyes glint in amusement.
"Nilagyan ko na rin ng ibang code. If ever may magtangkang mag-access ulit ay maa-activate ang virus at magca-crash ang PC or laptop no'ng nag-access," pagkukuwento niya at mas lalo pang namangha ang kanyang mga kasama.
"Did you make the virus?" tanong pa ni Jake na nakikinig pala sa usapan nilang tatlo.
Bumaling ang tingin niya rito. She shook her head.
"Nah. Code ng 'I Love You' virus ang ginamit ko. Wala rin naman silang time na tingnan 'yong code because once they reach the final step sa pag-access at kapag iki-click na nila ang enter, agad na ma-open ang virus."
Pumalakpak si Jake pagkatapos niyang sabihin iyon pati na rin sina Harry at Paul. Tumaba naman ang kanyang puso. So this is what it feels like to receive appreciation?
"Thank you," pasasalamat niya sa mga ito. Tinapik ni Paul ang kanyang balikat.
"Ang galing mo," namamangha pa ring saad nito.
"Halimaw," naiiling na sabi ni Jake dahil sa pagkamangha.
"May boyfriend ka na ba?"
Malakas na batok ang natanggap ni Harry mula kay Paul. Napangiwi naman siya at malakas itong napa-'aray'.
That surely hurts.
Hindi niya rin masisisi ang mga ito. Hindi naman kasi alam ng karamihan na asawa siya ni Kiefer, eh.
"Anak 'yan ng mga Romero, gago! Best friend din ni Sir Kiefer!" mariing sita ni Paul dito. Para bang sinasabi nito na off-limits siya dahil do'n.
Hindi na lang siya nagsalita. Isa pa, off-limits naman talaga siya but Kiefer told her na huwag ipaalam sa mga taong hindi alam ang kasal nila tungkol sa kanilang dalawa.
Nanlaki ang mga mata ni Harry at bakas sa mga mata nito ang pagkahiya. Namula ang mga tenga nito.
"Ay, sorry, Ma'am."
Bigla siyang kinilabutan sa itinawag nito sa kanya at napangiwi. She doesn't want her workmates to address her by that name because she treats them as equals.
"Agatha na lang. Magkatrabaho naman tayong lahat dito, eh. I don't want all of you to treat me as a superior dahil lang sa anak ako ng mga Romero at best friend ako ni Kiefer," paliwanag niya rito.
Napangiti naman ang mga ito sa kanyang sinabi at tumango. Bumukas naman ang mga labi ni Harry upang magsalita,
"Eh, pwede ba kitang i-treat as other half? Eachaprank!" ani nito at malakas natawa.
BINABASA MO ANG
Cruelly
Ficção GeralThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...