WO

5.9K 175 4
                                    

“I ALREADY told Kier and Ben that you already recovered. Matagal na nilang gustong isuko ang sarili nila pero hindi sila tatanggapin ng mga kapulisan kasi walang testimonya na galing sa ‘yo,” Kiefer informed her while helping her pack her things. Saglit niya itong tiningnan at hindi pa rin mawala-wala ang lungkot sa mga mata nito, pero masaya siya na hindi siya nito pinigilan. Kiefer really respected her decision. Mukhang na-realize rin nito na may point siya.

“I already made a testimony with my signature on it. Ayaw kong makaharap sila. I hope it won’t happen again lalo na sa mga babaeng makasalamuha nila. They never have an idea how traumatizing it is to be harassed.” Ngumiti siya nang tipid. Isa pa, ayaw niya nang makita ang mga ito. Sa isipang pupunta pa siya ng police station ay sumasakit na ang ulo niya. Kiefer heaved a deep sigh.

“In behalf of them, I apologize. I also apologize for all the things I said to you,” ani nito. Napatigil siya sa ginagawa. Nakababa lang ang tingin nito at bahid talaga sa boses nito ang pagsisisi. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang lotion. 

“Thank you. . . for proving to me that you’re truly sorry and that, you truly regretted what you did to me. Sa totoo lang, Kiefer, hindi madaling kalimutan. You made me feel worthless and unwanted.” Mas lalo itong napayuko sa kanyang sinabi. She sighed.

“But you made up for all your mistakes. You spoiled me with love, you made me feel worthy, you made me feel wanted. You made me feel what it is like to be loved by you, mahal.” She caressed his cheek. Nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha at tumingala ito sa kanya. Binigyan niya ito ng maliit na ngiti.

“Thank you.” Nginitian siya ni Kiefer nang tipid. She wiped his tears away as he opened his mouth to speak,

“Mahal kita.” She just smiled at him and sighed before continue packing her things. Nang matapos ay si Kiefer na ang nagsarado no’n. Binalingan siya nito ng tingin.

“Ihahatid na kita. Sa bahay ba ng mga magulang mo o sa airport?” tanong nito sa kanya. Napaisip naman siya sa sinabi ng asawa. She needs to settle things first with her parents. The moment they got here in Cebu, agad kasi siyang nakatanggap ng mensahe sa mga ito pero hindi niya na-reply-an kasi wala siyang load.

  “Sa bahay muna ng mga magulang ko, Kief.” Tumango ito sa kanya at tumalikod habang bitbit ang kanyang maleta. Nakasunod lang siya rito kaya hindi niya makita ang reaksyon nito sa mukha.

Suddenly, he stopped. Muntik na siyang mabangga sa likod nito kung hindi lang siya maagap. Kumunot ang kanyang noo. Kiefer faced her. Muntik na siyang mapasinghap nang makita ang iba’t ibang emosyon sa mga mata nito. It stirred up something inside her.

“Will you be okay?” Mukhang hindi pa rin talaga nito matanggap na aalis siya. Sunod-sunod naman siyang tumango at binigyan ito ng ngiti. Tumitig pa ito sa kanya nang ilang segundo bago tumango at tumalikod. Kiefer opened the car. Nauna na siyang sumakay sa passenger seat. Nilagay naman nito ang kanyang maleta sa likod bago pumasok sa sasakyan. He started the engine. 

Tahimik lang sila habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang bahay. At the back of her mind, hinanda niya na kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang. Nagdadalawang isip tuloy siya kung paano niya sasabihin sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Kiefer. Napatingin siya kay Kiefer. Parang malalim pa ang iniisip nito habang nagda-drive.

“Kiefer?” Napakurap naman ito at mabilis siyang binalingan ng tingin bago muling ibinalik sa daan ang mga mata. He hummed as a response. Napatingin siya sa labas ng bintana.

“Should I tell my parents about what happened to us?” Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga ito? Hindi naman siguro nito ipapakulong nang tuluyan si Kiefer, ‘di ba?

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon