"ANONG MAISA-SUGGEST mo rito, Agatha?" tanong ni Harry sa kanya na nasa likod niya lang.
Napatingin naman siya sa PC nito. Kumunot ang kanyang noo nang makita iyon. Iba yata sa code ng system nila? Anong ginagawa ni Harry?
Mukhang napansin naman ni Harry ang kanyang pagtataka dahil nagsalita ito,
"Pina-revise lang ng isang coder. Mukhang namali kasi ang code, eh. Ni-revise ko naman kaso baka may maisa-suggest ka pa."
Harry clicked the 'run' button kaya nag-run ang code. Bumungad sa kanilang harap ang isang log-in information. Wala namang mali at wala rin siyang ikasa-suggest. Log-in page lang naman iyon.
"Wala na. Okay lang naman ang log-in page. Hindi rin masakit sa mata tingnan ang background at lay-out."
Narinig niyang humagalpak ng tawa sina Jake at Paul sa kanyang sinabi. Napatingin naman siya sa mga ito at kita niyang sinamaan ito ng tingin ni Harry. Bakit kaya? Anong meron?
"Sus. Sabihin mo na lang na gusto mo makausap 'yang si Agatha," natatawang ani ni Jake kay Harry kaya namula ang tenga ni Harry. Kaya naman pala.
Natawa siya nang mahina. Hindi na lang siya nagsalita at napatingin dito. 'Di naman kasi lingid sa kaalaman niya ang paghanga ni Harry para sa kanya.
She just smiled at Harry bago bumalik sa kanyang pwesto. Kita pa niya na natigilan ito nang makita ang kanyang ngiti.
She viewed the information of the new clients and investors who registered on their site and put it on the database. Ipagpatuloy niya na sana iyon nang marinig niyang pinatawag siya ng kanilang head.
Napatingin ang kanyang mga ka-workmates sa kanya. Her forehead knotted. Ano naman kaya ang meron?
Tumayo siya at pumunta na lang sa office ni Ms. Sheila, ang kanilang head. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok. Sinalubong naman siya ng malawak na ngiti nito.
She motioned the seat in front of her table kaya nama'y umupo siya roon. Hindi naman siya kinabahan at wala namang rason para kabahan siya kasi wala naman siyang ginawang mali. Sa pagkakaalala niya, maganda ang kanyang performance. Bakit kaya siya nito pinatawag?
"I've heard about what you did yesterday," panimula nito.
Naalala niya bigla ang ginawa niyang paghigpit sa security ng kanilang system. Hindi siya nagsalita at nakinig lang dito.
"I want to commend you for that. For years, the only thing that some coders do is to make another layer of codes or change the code but you, Agatha, did otherwise."
Tumaba naman ang kanyang puso sa narinig. Ang sarap pakinggan. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakatanggap ng appreciation sa ginawa niya. Hindi niya inakalang ganito pala kasarap sa pakiramdam. Parang worth it lahat ng pag-a-analyze niya.
"Thank you, Ms. Shiela," pagpapasalamat niya rito at hindi mapuknat ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi. Tila sumasakit na ang kanyang mga pisngi.
So this is what it feels like to be appreciated?
"As you see, Mr. Kiefer is doing something important about the site at ikaw ang gusto kong ipadala sa opisina niya. You will work with him for three days or more, depende sa kung gaano mo kabilis matapos ang pinagawa ni sir Kiefer."
Natigilan siya sa narinig. She will work with Kiefer?
"Hindi naman siguro bago sa iyo si sir Kiefer. You two are best friends," ani pa ni Miss Shiela.
Pinakawalan niya ang hiningang 'di niya namalayan na kanina niya pa pinipigilan. Shit. Papayag kaya si Kiefer? But he can't do anything about that. Si Miss Shiela na ang nagdesisyon na ipadala siya ro'n.
BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...