“WOHOO!” AGATHA raised her hands up in the air when he pressed a button on his car.
Bumaba ang roof ng kanyang kotse at pinatay niya ang aircon. Ginamit niya ang kanyang convertible car sa pagpunta sa Oslob.
Napangiti siya habang nakatingin kay Agatha na bakas ang tuwa sa mga mata. He loves seeing her happy.
Nililipad ng hangin ang maikling buhok nito. Ang kotse naman nina Travis at Knoxx ay nauna na sa kanila.
“Kiefer, excited na ako!” sigaw ni Agatha. Natatakpan ng hangin ang boses nito pero kahit gano’n, rinig niya pa rin ang boses ng katabi.
“I can already smell the sea!” saad pa nito.
Natawa na lang siya. Para itong bata. She’s back to her old self. He missed the bubbly Agatha.
Masama bang makaramdam ng tuwa sa kaalamang nagka-amnesia ito? Ewan.
The thought of taking away Agatha’s bubbly character made him feel guilty. Siya kasi talaga ang dahilan kung bakit nagbago ito and now that she’s back, babawi siya rito nang todo.
“The air smells so fresh!” pagsasabay niya rito. Agatha giggled.
Ah, his Agatha.
Punong-puno ng saya ang kanyang puso habang katabi ito at pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa mga labi nito. Mas lalo niyang naramdaman ang kanyang pagmamahal para kay Agatha.
“I agree, mahal! Malayo pa ba tayo?”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa narinig. Kiniliti ang kanyang puso nang marinig ang itinawag nito sa kanya. Shit.
Hindi niya inakala na kikiligin siya sa simpleng tawag lang ni Agatha sa kanya. He shook his head. Hindi mapuknat ang kanyang ngiti sa mga labi.
“Malapit na, mahal! Nagugutom ka na ba?”
Sunod-sunod itong tumango. Napatingin siya sa orasan. Malapit na palang mag-alas-dose.
“Don’t worry. Kakain tayo pagkarating natin do’n.”
Tumango lang ito sa kanyang sinabi at sinabayan ang kanta sa radyo. Natawa siya nang mahina.
Agatha doesn’t know how to sing. Alam nito ang bagay na ‘yon pero kumakanta pa rin ito.
Agatha is like a broken casette playing in the casette player but no matter how bad it sounds, he still wants to hear more.
“Join me, mahal!” saad nito sa kanya at nagpatuloy sa pagkanta. Ang kantang pinapatugtog sa radyo ay ang bagong kanta ni Taylor Swift na ‘All Too Well’.
He joined Agatha in singing at kita niya ang tuwa sa mga mata nito nang marinig siyang kumanta. Sa kanilang dalawa, siya kasi talaga ang marunong kumanta, eh.
“Naks, sinasabayan mo na ako, ah!” natatawang ani nito.
Natigilan siya sa narinig at napangiti nang malungkot. Ang dami niya pala talagang ginawa na nakapagpasakit kay Agatha.
Noon, parati siyang pinapasabay ni Agatha kapag kumakanta ito sa loob ng kanyang kotse pero tatanggihan niya lang ito. Alam niyang nalulungkot ito kapag tumatanggi siya pero hindi nito ipinahalata. Bagkos, magpatuloy ito sa pagkanta. Para kasi sa kanya, nakakapagod lang, eh.
Ngayon niya lang napagtanto na masaya palang gawin iyon lalo na kapag kasabay mo ang taong mahal mo.
He took a deep breath. Kinakain na naman siya ng konsensya.
“Syempre, mahal kita, eh!” sigaw niya.
Kita niyang natigilan ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin pala sanay ang Agatha niya na marinig mula sa kanya ang mga katatagang iyon.
BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...