QW

7.4K 297 67
                                    

"SHIT! SHIT!" sunod na napamura nang malutong si Kiefer habang nakatingin sa pinto ng emergency room.

Napatingin siya sa kanyang polo na duguan. Sinubukan niyang hanapin si Agatha kanina no'ng bumuhos ang malakas na ulan after punching those jerks.

Nakita niya nga ito, pero nakahandusay naman ito sa kalsada at naliligo sa sariling dugo.

Bumaba ang kanyang tingin sa mga nanginginig niyang daliri. Seeing her lying on her own pool of blood made him almost stop breathing.

Muli siyang napatingin sa pinto ng emergency room at binaha ng kaba ang kanyang dibdib.

Paano kung may mangyaring masama rito?!

Nang sinabi nitong may relasyon sila, hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang nararamdaman ni Agatha para sa kanya.

She took advantage of the situation kaya heto sila ngayon! Okay sana kung si Christie ito pero hindi, eh!

Hinding-hindi ito magiging si Christie!

He doesn't want Agatha, but when he saw how fragile she was when he hurt her with his actions, parang sumikip ang dibdib niya.

Something inside him tells him to do things right.

"S-Soda, Kuya." Binigyan siya ng soda ni Kier pero tinabig niya ang kamay nito.

Lumikha ng tunog ang soda nang mahulog ito sa lapag. Fuck. How dare them come here after what they did to his wife?

Sumunod agad ito at si Ben nang malamang naaksidente si Agatha. Ang kakapal naman ng mga ito na magpunta rito.

Kung wala lang sila sa hospital, matagal niya na itong pinagsusuntok ulit.

"Putangina mo, Kiefer!"

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang mabibigat na yabag pero bago pa niya makita nang tuluyan si Olive ay ang kamao nito ang sumalubong sa kanya. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya naalalayan ni Kier.

Tinabig niya ang kamay nito kaya napabitaw si Kier sa kanya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang pagtayo ni Ben. Umigting ang kanyang panga.
Anong problema ng gago?

Nakita niyang susuntukin na ulit sana siya nito pero maagap siya. Bago pa siya nito tuluyang masuntok ay umiwas siya at kinwelyuhan ang gago at mariing isinandal sa dingding.

"What the fuck is your problem?" mariing ani niya rito.

Malakas na itinulak siya ni Olive. Natigilan siya nang makita ang mga luha na bumabadya sa mga mata nito.

Kahit na malamig itong nakatitig sa kanya at nanginginig ang katawan nito sa galit, kita niya ang sakit doon na ikipinagtaka niya. Mariin nitong tinuro ang pinto ng emergency room habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Putangina! Wala kang kaalam-alam sa ginawa ni Agatha para lang maprotektahan kang gago ka! Alam mo ba ang tunay na rason kung bakit niya nasabi iyon? Hindi! Kaya wala kang karapatan na saktan siya!" Muli siya nitong sinuntok pero hindi niya iyon ininda.

Parang may kung anong sumabog sa kanyang utak at natigilan siya dahil sa sinabi nito. Maprotektahan? Ano ang pinagsasabi ni Olive? Bakit naman siya poprotektahan ni Agatha? Ano ba'ng meron?

"Gago ka, Kief! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana'y sinabi ko na sa mga magulang ni Agatha ang katotohanan! Sana, ipinaalam ko na lang sa kanila na wala talaga kayong relasyon para makasuhan ka ng rape at matanggalan ka ng mana!"

Parang nabingi siya sa sinabi ni Olive. Kita niya rin ang pag-awang ng mga labi nina Kier at Ben. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib at hindi siya nakapagsalita. Bumalik sa kanyang utak lahat ng mga nasabi niya kay Agatha.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon