“MOMMY, WE’RE going to live in the Philippines now?” tanong ni Kietho sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango rito.
Isang buwan na ang nakalipas magmula no’ng nagkita sila ni Kiefer and she can finally say na handa na siyang mahalin ito nang buo.
Hinaplos niya ang ulo ng kanyang anak. She received a text from Autumn, saying na manganganak na si Snow ngayon. Nasa taxi na sila at papunta na sila sa kanilang bahay.She already told her parents that she’s coming at sinabi niya sa mga ito na kung pwede, huwag muna ipasabi kay Kiefer. Mukhang na-excite naman ang mga magulang niya sa kanyang pagdating.
Balak pa nga sana nitong ipasundo siya sa kanyang ate Christie pero tumanggi siya. Natawa na lang siya sa rason. Kaagad kasing nag-text ang ate niya na huwag siyang magpakuha dahil gagawa raw ito ng bata kasama ang asawa nito.
“I’m going to see Septem and Visa now,” ani ng kanyang anak. Hanggang VC lang kasi ang mga ito, eh. Sobrang kulit. Parati na lang naglalaro ng Roblox at Genshin.
“Excited ka na?"
Sunod-sunod naman itong tumango. Kita niyang lumuhod ito sa seat para tumingin sa labas ng bintana.
They are now in Lapu-Lapu City. Ah, she missed her hometown. Nagbago na pala ang Mactan International Airport. Mas nagiging classy at elegante ito tingnan.
Nang makarating na siya sa tapat ng kanilang bahay, agad siyang bumaba at nagbayad sa driver. Tinulungan naman siya nitong kunin ang kanilang luggage sa trunk.
“Thank you.”
The driver just smiled at her before going inside the car. Napatingin siya kay Kietho na manghang-mangha na nakatingin sa kanilang bahay.
“Your house is huge, mom.”
Pinisil niya lang ang tungkil ng ilong nito bago pumasok sa loob. May nadaanan pa siyang mga kasambahay na agad siyang binati.
She just gave them a smile and went towards the living room. Naupo sila roon. Nasaan kaya ang mga magulang niya?
“Lola! Lolo! We’re here!”
Nakita niya namang lumabas ang kanyang mga magulang sa kusina. Halata ang galak sa mga mata nito. Kasunod nito ang kanyang Ate Christie.
Binigyan niya ito ng mapang-asar na tingin pero inirapan lang siya nito. Blooming na blooming ang kanyang ate, ah.
“Nako! Nandito na ang aking apo at ang anak ko!”
Tumayo naman siya upang salubungin ng yakap ang kanyang mga magulang. Pagkatapos siyang yakapin ay pinuntahan ng mga ito si Kietho. Napatingin siya sa kanyang Ate Christie.
“Nasaan si Mark? Gawa pala ng bata, ha.” Sinundot niya ito sa tagiliran. Pinanlakihan siya nito ng mga mata na ikinatawa niya.
“Huwag ka ngang mag-ingay!” ani nito at sinundan ng hagikhik. Napangiti na lang siya.
“Kumusta si Macy?” tanong niya sa panganay ng kanyang ate.
“Ayon, nando’n sa mga magulang ni Mark para raw makapag-loving-loving kami.” Sabay silang naghagikhikan. Natutuwa siya sa isipang masaya ang ate niya sa piling ng asawa nito.
“Halika! Kain muna tayo! Naghanda kami ng marami. Nando’n na ang ibang mga kasambahay at nauna nang kumain.”
Napatigil ang kanilang pag-uusap dahil sa sinabi ng kanyang ama. Sabay naman silang nagtungo sa dining room and true to his father’s words, sobrang dami nga ng pagkain. Natawa na lang siya. Mukhang pinaghandaan talaga ng kanyang pamilya ang pagdating nila ni Kietho.
It feels good to be back.
NAPATINGIN SIYA sa kanyang relong pambisig. Pagkatapos niyang kumain, kaagad siyang nagpaalam sa pamilya upang pumunta rito sa hospital kung saan nanganak si Snow. Iniwan niya muna si Kietho roon. She’s just wearing a white polo shirt and jeans. Nakatali ang kanyang mahabang buhok.
Pagkapunta niya sa labor room, kaagad niyang nakita si Travis na naglalakad-pabalik sa hallway. Si Autumn naman ay nasa tabi ni Knoxx at nakasandal sa balikat nito. Nasa kabilang upuan naman si Kiefer.
Kita niyang nagkatuwaan ang mga ito at napatigil ang lahat no’ng bumukas ang pinto ng room at lumabas doon si Snow na nakahiga sa stretcher. Ngumiti siya at lumapit sa mga ito.
“Congrats, Mr. and Mrs. Rodriguez. I’m late, I see.”
Nabaling ang tingin ng lahat sa kanya. Kita niya rin ang panlalaki ng mga mata ni Snow at sinundan pa siya ng tingin nito bago ito tuluyang makapasok sa private room. Nakita niya ang pagtayo ni Kiefer at bakas sa mga mata nito ang saya.
“A-Agatha,” he muttered her name. Muntik na siyang matawa nang makitang parang gusto na siya nitong yakapin.
“Hey, Kief,” bati niya rito at napatingin kay Travis. She will deal with her Kiefer later.
“Baby boy?” she guessed. Wala sa sarili itong napatango at kita niyang gumawi ang tingin nito sa private room na pinagpasukan ni Snow. Pinigilan niya na huwag matawa.
“Thank you, Agatha. You’ve been away for years. How have you been?” tanong nito pero hindi naman nakatitig sa kanya. Nakatitig ito sa private room. Tuluyan na siyang natawa sa inakto nito.
“Mamaya na tayo mag-uusap, Travis. Puntahan mo muna ang pamilya mo.”
Napatingin naman ito sa kanya at tumango. May maliit na ngiti ito sa mga labi bago pumasok sa room. Sumunod naman sina Knoxx at Autumn.
“Pahirapan mo ulit,” nakangising ani ni Knoxx sa kanya habang hawak si Autumn sa bewang. Autumn just wiggled her brows playfully.
Napangiti na lang siya at sinundan ito ng tingin. Nang makapasok ang mga ito, tuluyan niya nang hinarap si Kiefer. Awang pa rin ang mga labi nito at tila ‘di makapaniwala na nasa harap siya nito. She smiled.
Naglakad siya papalapit dito at nakatitig lang ito sa kanya.
“Am I dreaming?” he breathlessly asked. Para itong nasa isang panaginip. His face looks so dreamy. Kinurot niya ito sa tagiliran kaya napakurap ito.
“Gago,” ‘yan lang ang tanging nasambit niya at sinundan iyon ng tawa. Kita niya ang pagsilay ng ngiti nito sa mga labi.
“I’m back.”
Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ni Kiefer nang marinig ang kanyang sinabi. His eyes hold a thousand of emotions she couldn’t comprehend.
“Does it mean. . .?” Natigilan pa ito at para bang nagdadalawang isip kung itanong ba iyon sa kanya o hindi.
She smiled at him. Nakangiting tumango-tango siya rito. Niyakap niya ito sa bewang at tiningala.
“Oo, mahal. Handa na akong mahalin ka nang buo,” she said, followed by a light chuckle.
Kiefer breathe out a sigh of relief. Tumahip ang kanyang puso nang makita ang pagmamahal at saya sa mga mata nito. Sinabayan nito ang kanyang pagtawa at niyapos ang kanyang bewang.
He cupped her cheeks and stared into her eyes. Mas lalong nagwala ang kanyang puso. She could stare at Kiefer’s eyes all day and be contented. May init na bumalot sa kanyang puso na nakapagpatulo sa kanyang mga luha.
With tears in his eyes, Kiefer bent his head down and claimed her lips.
Finally, they’re already healed.
-----
END
BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...