KIEFER COULDN'T forget what Agatha told him a while ago. Sa isipang matagal na pala itong nakaranas ng gano'n, nakaramdam siya ng galit para sa mga lalaking nangmamanyak ng mga babae. Hindi nito iniisip kung ano ang maaaring maging epekto ng ginawa ng mga ito sa mga babae.
Pinikit niya ang kanyang mga mata nang maalala ang ginawa nina Ben at Kier dito. Biglang umusbong ang galit sa kanyang puso. Although alam niyang nagsisisi na ang mga ito, hindi niya pa ring maiwasang magalit. Susuko na sana ito sa mga pulis pero wala namang testimonya galing kay Agatha kaya hindi ito makukulong.
Bumuga siya ng hangin. Surely, that's what Agatha remembered a while ago. Ang pambababoy na ginawa nina Ben at Kier. Isa rin ito sa mga naging dahilan kung bakit nagawa iyon ni Agatha sa kanyang palapulsuhan. Her scars are really visible at alam niya na magtatanong si Agatha tungkol doon kapag handa na ito. Hinanda niya na ang kanyang sarili sa maaaring itanong nito. Umaasa siya na kapag makakaalala na ang kanyang asawa ay muli siya nitong bigyan ng isa pang pagkakataon.
"Magwe-whale watching tayo?" tanong ni Agatha sa kanya habang nagba-byahe sila. He nodded. Halata ang excitement sa boses nito na ikinangiti niya. She giggled. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. Ah, music to his ears. Ang sarap pakinggan ng mga tawa nito.
"Excited na ako!" saad pa nito. Binalingan niya ito ng tingin. His Agatha is wearing a one piece suit. May sleeves ito at sa pagkakaalam niya, may shorts ang suit na hanggang sa gitna ng hita ang baba. Nagsuot kasi ito ng maong shorts kaya hindi siya sure. Natatangay ng hangin ang maikli at kulot na buhok nito at halata ang saya sa mukha. What a sight. Masaya siya kapag nakikita itong masaya. Hindi niya inakala na darating ang panahon na ang kasiyahan ni Agatha ay magiging kasiyahan niya rin.
"Same, mahal." Muli niyang ibinaling ang tingin sa daan. He reached for her hand and it was Agatha who intertwined their fingers. Nahigit niya ang kanyang hininga. Okay. That was a first. Tumikhim siya nang maramdaman ang paghuhumerentado ng kanyang puso. Agatha's effect on him. Shit.
"First time ko yatang makakita ng whale shark. No'ng nagpunta kasi sa Oslob ang parents ko, si ate Christie lang ang sinama nila. Naiwan ako sa bahay," natural na pagku-kwento nito. She's telling it naturally, na para bang gusto lang talaga nito ikwento iyon. Wala iyong bahid na sakit, pero siya ang nasasaktan para rito. His Agatha experienced a lot of painful things from her parents tapos dinagdagan niya pa.
Muling bumangon ang konsensya sa kanyang puso at binaha siya ng kalungkutan. If he had only realized his feelings sooner. If he had only thought about her and not just himself. If he had only chose to treat her right rather than making her suffer.
"Don't worry, mahal. Ngayon, makikita mo na ang whale shark. Madami pa! Puro naglalakihan!" Iyon na lang ang tangi niyang nasabi. He squeezed her hand lightly. "I'm sorry that happened to you." Sa gilid ng kanyang mga mata, kita niya ang pagbaling ni Agatha sa kanya.
"Ano ka ba, mahal! Wala na sa akin 'yon, 'no! Sanay na ako. Isa pa, bumabawi naman ang parents ko, eh. Alam ko namang genuine rin sila," she only replied. Nakita niya ang pagngiti nito. Agatha has really a good heart. What did he ever do para dumating ito sa buhay niya? He has been a jerk at sobrang loko-loko niya. It was like he's the darkness, and it was Agatha who brought light to his life.
"Shit, gago, ang ganda ng dagat!" saad nito nang makalampas na sila sa mga nagtataasang kahoy. Natawa siya sa sinabi nito. They're on a hill at sa gilid nila, may mga kahoy. Below the hill is the sea.
"Gago, Kiefer! Excited na akong lumangoy! Bilisan mo nga ang pag-drive! Ang bagal-bagal mo!" Natawa siya sa narinig at tiningnan ang rearview mirror. Nakasunod ang sasakyan nina Knoxx at Travis sa kanya. Muli siyang napatingin sa daan.

BINABASA MO ANG
Cruelly
General FictionThe Club Series #3: Agatha Blaise Romero They were best friends, but then she fell and he didn't care. Something happened that changed their whole lives forever. Will she stay as he cruelly breaks her into pieces? ----- Agatha has been in love with...