WP

5.7K 188 12
                                    

NAPANGITI NANG malawak si Agatha no’ng dumating na ang kanilang in-order. She licked her lips and got her barbeque.

Dalawang butchi at talong isaw.

Ito ang parati niyang ino-order kapag nagba-barbeque sila ni Kiefer sa Dorting’s.

“Thanks, KJ!”

Napasimangot si Kiefer nang marinig ang itinawag niya rito. He even snorted.

Kumunot ang kanyang noo. Ano na naman kaya ang problema ng asawa niya? Bakit ito gano’n makaakto?

“Nasaan na ang endearment natin?” tanong pa nito sa kanya na ikinanguso niya. Kaya naman pala, eh!

Napahagikhik siya at mahina itong kinurot sa tagiliran kaya nama’y napatalon ito sa kinauupuan.

“Ikaw talaga! Oh, sige. Salamat, mahal.” ‘Di niya namalayan na malakas ang pagkakasabi niya no’n kaya umani ang tuksuhan sa kanilang mesa.

Nanlaki ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Kiefer chuckled beside her and kissed the side of her head.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang makadama ng kiliti sa kanyang puso. Parati na lang siya nitong pinapakilig.

“Kayo na may asawa,” nakasimangot na saad ni Travis habang nilalagyan ng kanin ang plato nito.

Nagkatinginan sila ni Autumn and Knoxx’s wife winked at her. Napangiti siya. Nanggigigil talaga ang kamay niya na kurutin ang pisngi nito na may katabaan. 

“Gago ka kasi,” litanya pa ni Autumn at nagsimulang kumain.

Tiningnan niya ang reaksyon ni Travis. Nagbaba lang ito ng tingin at hindi na nagsalita pero bakas sa mga mata nito ang lungkot. Muntik na siyang mapangisi. Ayan, bakit ba kasi ito nananakit ng babae?

She started to put rice on Kiefer’s plate. Eh, sa gusto niyang gawin iyon, eh. Isa pa, asawa niya ito.

Ramdam niyang natigilan si Kiefer sa kanyang ginawa pero hindi niya ito pinansin. Kinuha niya rin ang barbeque nito.

She took the meat off the sticks at saka inilagay sa plato nito. Pansin niya kasi noon pa man na naiinis ito, eh, kasi hindi nito maisawsaw nang maayos ang barbeque sa sauce.

“Oh, ayan, mahal. Ako na ang nagtanggal. Alam ko naman kasi na gusto mo masawsaw ang meat nang buo sa sauce,” saad niya.

She licked her fingers clean while looking at Kiefer. Narinig niya ang paghigit nito ng hininga habang nakatitig sa kanya. His eyes turned darker as he stared at her at parang bumigat pa ang paghinga nito. Tumagilid ang kanyang ulo. Ano kaya ang nangyayari kay Kiefer?

Kumuha siya ng kanin at nilagay iyon sa kanyang plato habang nakatingin pa rin dito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito sa mukha. Para bang may gustong gawin ito na hindi nito magawa.

“Okay ka lang, mahal?”

Hindi ito nagsalita. Nagbaba lang ito ng tingin at tumango-tango. He pulled her head closer to his lips. Napangiti siya sa ginawa nito.

“Salamat, mahal.”

Nagsimula na silang kumain at napangiti siya no’ng pumutok ang lasa ng pagkain sa kanyang bibig. Na-miss niya ito! Ang sarap talaga ng barbeque! Kung pwede lang sana araw-araw kumain ng barbeque ay ginawa niya na.

Tiningnan niya si Kiefer sa kanyang gilid na hindi pa rin nagsasalita. Nakayuko lang ito habang kumakain at pansin niya na medyo tensed ang katawan nito. Ano ba talaga ang nangyayari kay Kiefer? Bigla-bigla na lang itong nagkagano’n.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon