Filler 2

87K 3K 242
                                    

Filler 2:

*Arzen's POV*


"Siguraduhin mong babantayan mo si Asper ah? At wag na wag mong iwawala sa paningin mo Zen kundi malilintikan ka talaga sakin." banta sakin ni Azure. Psh.
"OO na, OO na. Ilang ulit mo na atang sinasabi yan sakin eh." inis na sabi ko sa kanya.
"Kinakabahan kasi talaga ako, hindi ako mapakali. Isang linggo nalang ang event." di makapaling sabi niya. "May masama talagang mangyayari sa araw na yun." dagdag niya pa.
"Hangga't hindi pa sigurado, pakalmahin mo muna sarili mo." sabi naman ni Zap habang umiinom ng specialize tea niya.
"Sinusubukan ko okay? Sinusubukan ko." mahinang bulong niya. Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa sofa ng kwarto ni Zap. Being an upperclassmen of course we have privileges, kasama na nga itong malaking kwarto ni Zap na ginawa na naming tambayan. Hindi naman siya nagrereklamo kaya okay lang na dito muna kami. Ayaw kasi muna naming tumambay dun sa tambayan ng Fatal error, ang bigat ng ambiance dun eh parang minamatyagan kami tsaka iniiwasan din namin sila Razor at Ley, di pa kasi talaga kami tiyak sa mga nalalaman at ang mga balak nila sa mga nangyayari ngayon.
"Nga pala, Nakita niyo na ba si Ley?" biglang tanong ni Zap.
"Isa pa yung isang yun, ang ilap eh." sabi ko pa. "Ni hindi ko nga makita anino nun nung nakaraang mga araw. Ikaw ba may balita na sa isang yun?" tanong ko pa kay Azure.
"Wala eh." sagot naman niya. "Nakakapagtaka lang na hindi na sya sumasama satin simula nung Council Meeting."
"May napapansin ba kayong kakaiba sa mga kilos niya nung Council Meeting?" tanong naman ni Zap.
"Wala eh." sagot ko.
"He looks grim." bigla namang sagot ni Azure. "Hindi ko alam ah pero pakiramdam ko sa mga oras na yun, mukhang makakapatay sya ng kung sino man. Nakakatakot ang tingin na binibigay niya sa nagsasalita sa harapan nun."
"Diba si Mr. White ang nagsasalita sa mga oras na yun?" sabi ko naman."Ama-amahan niya yun diba?"
"Baka nakakalimutan mo ring protector ni Asper si Ley?" sabi naman ni Zap. Bigla naman kaming natahimik. Kung iisipin kasi, magiging kawawa si Ley kapag nagkataon.
"H-hindi ko alam pero sa ngayon, hindi pa ako sigurado kung mapagkakatiwalaan si Ley." basag katahimikan ni Azure. Naihilot ko nalang ang kamay ko sa sentido ko. Nakakapagod na mag-isip, hands-up nako pero lintek lang hindi pwede. Kung di lang talaga buhay yung nasa linya eh matagal ko na sinukuan ang puzzle na'to, naubos na ho utak ko kakaisip kung ano na talaga ang meron sa pinuntahan ni Vlad. Huminga muna ako ng malalim bago ako ng tanong na kanina pa binabagabag ang isip ko.
"Asan na ba si Vlad? Sya lang ata makakapag ayos nito eh." sabi ko. Hindi naman sila sumagot sa halip ay natahimik muli kaming tatlo. Nagitla nalang kami ni Zap nang biglang tumayo si Azure sa kinauupuan niya.
"Alam ko na kung anong gagawin natin!" sabi niya pa.
"Ano?" sabay naman na tanong namin ni Zap.
"Unahin na natin ang lugar na yon." sabi niya. "baka sakaling may malaman tayo kapag nakapasok na tayo dun."
"Saan?" tanong ni Zap.
"Dun." sabay nguso ni Azure sa papel na nasa mesa. Napalingon naman agad kami ni Zap dun.
"Forbidden Zone?" basa ko sa nakasulat sa itaas na bahagi ng papel. Napalingon naman ako kay Azure na ngumingisi pa.
"Papasukin natin niyan." sabi niya. Napalunok naman ako ng sunod sunod.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Zap. Tumango tango naman si Azure.
"P-pano?" tanong ko.
"Hahanapan natin ng paraan." nakangisi naman niyang sabi. "Kesa naman umupo tayo dito at mag-iisip nalang habang naghihintay sa araw na yun. Mas mabuti ng pasukin natin yan nang mabawasan naman ang mga tanong natin." napatingin naman ako kay Zap na unti unti namang tumataas ang sulok ng labi niya. Ngumingisi na rin sya.
"H-hindi ba delikado 'to?" kinakabahang tanong ko. FORBIDDEN ZONE yun! Kwarto yun na binabantayan ng higher ups. Kahit na S class na kami, delikado pa rin yun. Damn.
"No pain, No gain." nakangising saad ni Zap. Agad namang nagtungo si Azure sa pinto kasunod ni Zap habang ako ay napapalunok na nakatingin sa nakasulat sa papel.

"Hell." mahinang bulong ko nalang.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon