CHAPTER 5: THE CHESS SYSTEM
"Okay lang yan Asper." sabi ni Kayle. Bata pa bang matatawag yun? Mukha na kasing matanda. Matandang isinumpa para maging bata habang buhay. Meron bang ganon?
Ika nga niya, Cielo pangalan niya. Binigyan niya ako ng susi at handbook na kailangan ko raw basahin, ang maganda lang naman sa sinabi niya ay iroroommate niya ako kila Ashley.
This is really impossible. How can they just accept a student like this? No files, no settlement na nangyari, even briefing or arranging a tour or some sort. Ika nga nila, they're too busy to do those trivial matters and besides, temporary lang din naman ang status ko, under probation period until makabalik ang Headmaster.
"Uhm. Ashley, Kayle?" tawag ko sa kanila. Naglalakad na kami patungo sa dorm room nila para maayos na yung matutulugan ko. Buti nalang talaga at walang mga estudyanteng pakalat kalat dito at nasa pinakadulo yung kwartong pupuntahan namin.
"Bakit?" sabay nilang tanong.
"Remember mo Kayle about doon sa gamit ko?" paniniguradong tanong ko kay Kayle.
"Ah, yung sa maleta mong di mo nadala?" sabi niya tapos tumango ako habang binubuksan naman ni Ashley yung kwarto.
"Bakit? Gusto mong manghiram muna?" tanong ni Kayle sakin, tumango tango naman ako.
"Guys." tawag ni Ashley samin pero hindi namin siya muna pinansin.
"Sure. marami naman akong damit dun eh. You can grab some clothes there." sabi ni Kayle.
"Guys."
"Talaga?" kumikinang mata kong sabi. "Than-" pinutol ni Ashley ang pagsasalita ko.
"Guys!" tawag pansin samin ni Ashley kaya nilingon na namin siya ngunit di siya sa amin nakatingin kundi sa loob ng kwarto, di pa pala kami nakapasok. "Kaninong gamit yan?" tanong ni Ashley sabay turo dun sa kulay green na maleta.
"Ang gamit ko!" naisigaw ko habang nagmamadali akong pumasok sa loob tsaka chineck ko kung akin nga ba. Akin nga. How the hell did it get here?
This is really a set-up. Kuya must know something or else, hindi mapupunta ang mga gamit ko rito ng basta-basta but why? Bakit kailangang dito niya ako dalhin? Alam niya kaya ang tungkol sa eskwelahang ito?
Napakarami man ng tanong na ang namumuo sa ulo ko ngunit iisa lang ang klaro sa akin ngayon. This is not simply a prank o nagkamali lang siya ng hatid sakin, he must've done this on purpose. He must have a reason to do this at kung ano yun, ay yun ang dapat kong malaman. What is it with this school para dalhin ako ni kuya rito?
"Kayle. Ash." tawag ko sa dalawa. "I think, I now have a reason to stay." alam kong naguluhan sila sa sinabi ko pero I have no choice. If I want to know why kuya brought me here, I have to stay and make that my goal. That way, I'll have an easy way accepting this situation.
"Alam niyo kung saan ang cafeteria?" tanong ko out of the blue sa kanilang dalawa.
"Gutom ka?"
"Yes."
"Alam mo bilib na ako sa'yo. You're accepting your situation way too easily." sabi ni Ashley. "And that's a good thing."
"We'll lead you there. It's almost lunch na rin kaya sasabayan ka nalang namin kumain." sabi nalang ni Kayle.
Sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako. Cafeteria must mean a lot of students and judging from Ashley and Kayle, nasa kalagitnaan pa sila ng term pero mas importante yung tiyan ko sa pagkakataong ito and to satisfy it, I must go to the cafeteria.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...