Building Trust Part 1

128K 3.7K 1.1K
                                    

*Headmaster's POV*

Tik Tak Tik Tak

Ang tunog na bumalot sa buong pasilyo kasabay ng aking mga yabag. Bawat patak ng oras sa orasan na hawak hawak ko ay sya ring pasok ng mga alaala sa isip ko. Madilim ang mga alaalang iyon, na kung babalikan ay parang kahapon lang nangyari. Sariwa pa ang mga sugat at sakit na dinanas ng mga sangkot.

Tik Tak Tik Tak

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ng isang dating kaibigan. Isa ngang dating kaibigan. Hindi na dapat ako mag-aksaya ng panahon dahil Oras na ng paggalaw at Oras na para maiayos ang nga pyesa.

Binuksan ko ang may kalakihang kahoy na pinto at bumungad sakin ang tinutukoy kong dating kaibigan. "White." matigas na saad ko. Inangat naman niya ang ulo mula sa pagkakayuko. Sumilip ang ngisi niya sa makapal niyang balbas.

"Miguel." nakangiti niyang saad saka sya tumayo at iginaya ako papunta sa may kalakihang sofa sa kwarto.

Sumunod ako sa kanya at umupo narin. "Matagal tayong hindi nagkita ah. Sa laki ba naman ng eskwelahan." madilim ngunit nakangiti nyang sabi habang naghahanda ng dalawang tasa para paglagyan ng tsaa. Tinimpla niya iyon sa lasang alam niyang magugustuhan ko saka niya inilagay sa harapan ko.

"Hindi ako nagpunta dito para magtsaa lang White." seryosong saad ko.

"Miguel, Masyado mong sineseryoso ang lahat, matuto kang magrelax." sabi niya. "Nakakatanda ang palaging nagseseryoso." Napaismid naman ako sa turan niya.

"Masyado na tayong matanda para sa ganyang biro White." sabi ko. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. San na ang bata?" diretsong tanong ko na nagpawala sa nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Miguel." matigas na turan nya. "Ipaubaya mo na sya sakin." tiningnan ko sya ng matalim. Ipapaubaya? Para ano? tsk.

"Alam nating dalawa na hindi sya nararapat sa lugar na kinalalagyan niya ngayon... At alam mong darating ang panahon na ako na mismo ang babawi sa kanya mula sa'yo." matigas ding sabi ko. Kung patigasan lang naman ang pag-uusapan, hinding hindi ako susuko dyan lalong lalo na, na saakin niya iniaasa ang bagay na'to. "Kung titimbangin tayo, alam mong sa ating dalawa, Talo ka White kaya ibigay mo sakin ang bata." maotoridad kong saad. Bumakas naman ang inis sa mga mata ni White sa mga oras na ito ngunit mabilis din naman niya iyong napalitan nang sya ay tumayo mula sa pagkakaupo. Wala syang magagawa dahil ito ang nararapat at wala rin syang karapatang humarang.

"Bweno." pagsuko niya. "Sumunod ka." sabi niya at nagtungo sa malaking lalagyanan ng mga aklat. May binulong syang kung ano saka ito unti unting gumalaw patabi. Bumungad sakin ang isang madilim na daanan. Nagpatiuna si White sa paglalakad nang biglang nagsiilawan ng asul na apoy ang magkakabilang kanto ng hagdan pababa.

"Siya ba ang may gawa nito?" tanong ko. Umiling lang sya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating namin ang pinakadulo ng hagdan. Kung sa dinaanan namin kanina ay tanging asul na apoy lang ang ilaw, dito naman sa dulo ay isang maliwanag na hardin ang bumungad sakin. Puno ng mga makukulay na bulaklak at masarap na simoy ng hangin, kung hindi ko pa alam na isang artipisyal na hardin lang ito ay pangangarapin ko ng tumira nalang dito.

"Huling mahinahong usapan na natin to Miguel. Sa susunod alam mo na kung anong mangyayari." seryosong saad niya saka sya nagpatuloy sa paglalakad at maya maya pa na napahinto ako sabay ng paghinto niya.

"Andun sya." sabi niya sabay turo sa isang direksyon. Sa likod ng mga naggagandahan at makukulay na bulaklak ay naglalaro ang isang napakagandang bata, sumasabay sa hangin ang buhok niyang kasing tingkad ng buwan na may kulay ng pilak at ang mga ngiti sa labi niyang nakakadala na kahit sino makakakita ay mapapangiti nalang sa kaligayahan habang tinatanaw syang naglalaro. Masaya niyang hinahabol ang paru paru na kanina pa siya inikutan sa tabi ng maliit na pond.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon