In the Forest with Rave

108K 3.4K 504
                                    

*Asper's POV*

Kasa kasama ko ngayon si Baby Keis, mamamasyal kami. Hindi ko pa nga alam kung san ko sya dadalhin eh but may sinabi syang magandang place dito sa school and we're heading there now.

"Sigurado ka Keis?" pagsisigurado ko sa kanya.

"Oo my. Maganda talaga ang lugar na yun. Yun nga lang, bago tayo makarating dun may dadaanan pa tayong parang lumang hagdan pababa." sabi niya.

"Ha? Hagdan pababa?" May hagdan pa pala pababa ang eskwelahan? "As in yung pailalim talaga?" tanong ko pa.

"Oo nga My, May nakita akong magandang Garden don." sagot niya.

"Pano mo nga pala nalaman ang tungkol don?" tanong ko pa.

"Ewan ko, basta natalisod lang ako nung minsang tumatakas ako sa mga naghahabol sakin tapos non, may parang pintuan sa lupa. Binuksan ko at ayun nga nakita ko yung lugar." paliwanag niya.

"Ahhh." sabi ko nalang.

Naglalakad kami ngayon patungo sa kasukalan ng gubat. Hindi ko na nga alam kung parte na kami, Hindi ko pa kasi yata nararting ang parte na'to. Hawak hawak lang ni Keisler ang kamay ko habang sinusuong namin ang mga makakating damo damo at mga kahoy. Nahinto lang kami ng may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.

Nanigas ako sa kaba. "Ka-ka-keis? Hi-hindi mo na-na-naman sinabi na-na may m-multo di-dito?" utal utal na sabi ko. Nanlalamig talaga ako.

Bigla namang humarap sakin si Keisler at sabay kaming napasigaw. "WAAAAAAAAH!!! MULTO!!!" Sigaw namin pareho.

Di naman kami nag-aksaya pa ng panahon at bigla nalang kamin nagtakbuhan. Only to find myself stuck with the hand in my shoulder. May putol na kamay, may putol na kamay, may putol na kamaaaaaaay!!!

"Waaaaah!!Ufp!" natigil ng may kamay ang biglang tumakip ng bibig ko.

"Hoy." sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran. Para naman akong tuod na humarap sa taong nanakot samin nang tanggalin niya ang pagkakahawak niya sakin.

Napalunok ako ng sunod sunod ng makilala ko kung sino yon. "Multo huh." sabi pa niya.

"R-rave?" tawag ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado ko talagang sya yun. Magtataka pa ba ako? Eh taong gubat to diba?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dapat ako nagtatanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito?" balik niya sakin ng tanong.

"Kasama ko si Keis- Teka. Keisler? Keisler?" tawag ko at nagpaikot ikot para hagilapin siya.

Kanina lang nandito yung batang yun eh. San yun nag-? Tumakbo nga pala ang isang iyon!

"Lagot." nasabi ko nalang.

"Tsh."

"Teka lang, Hahanapin ko muna siya!" sabi ko at akmang aalis na sana ng pigilan ako ni Rave. Hinila niya ako sa braso para hindi makaalis.

"Alam ng bubwit na yun ang daan niya dito. Wag mo ng hanapin yun." sabi niya.

"Hindi bata pa-" nahinto nalang ako sa pagsasalita ng maalalang, hindi naman pala talagang bata ang isang yun. Nagbabalat kayo lang. tsk. tsk. tsk.

Sumalampak ako ng upo sa isa sa mga ugat ng malalaking puno at inilibot ang tingin. Medyo madilim ang parteng ito ng gubat. Hindi nakakapenetrate ng maayos ang araw dahil sa naglalakihan at nagtataasang puno pero kahit ganon, nakakakita pa naman ako. Lalong lalo na ang pagmumukha ng kasama ko ngayon, sinabi ko na dati diba? Masyado syang maputi para hindi makita sa dilim. Daig pa nga niya kaputian ko eh.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon