CHAPTER 4: I WANT OUT
Kinakabahan na ako sa kung anong pwedeng mangyari sa pagkakataong ito. Napag-usapan naming sabay sabay na pumunta sa Headmaster's office para mapakiusapan na palabasin na lang ako. I really want out, I don't want to involve myself in any of these at isa pa, may ibang pangarap akong gustong marating.
"Sige na kumatok ka na." sabi ni Kayle. Nasa harap na kami ngayon ng office ng headmaster. Sabi kasi nila na dapat sumangguni muna sa headmaster para tuluyan na akong makapasok dito o para tuluyan nakong makauwi at kung tungkol naman daw sa ability, sila Kayle at Ashley na ang bahalang magpaliwanag.
"Sure na ba talaga to?" nag aalangan pa rin kasi talaga ako baka wala rin kaming mapala. The possibility of me not able to go out is quite high. Base sa napapanood kong movies, lahat ng may nalalaman ay imposibleng mapakawalan para maprotektahan nila ang sekretong meron sila but this is real life not a movie. I am clinging to that hope.
"Oo, sige na sige na. Ito lang naman kasi ang nakikita kong pwedeng maging solusyon sa sitwasyon ngayon." sabi ni Kayle. "If we go out there and tried to open the gate by force. Siguradong hindi yan bubukas. It's a type of gate na bumubukas lamang mula sa labas and for sure, by the time na ginalaw natin ang gate na yun. Malalaman at malalaman pa rin ng Headmaster. It is better to come clean."
"Sige na nga." saka ako kumatok pero walang nagbukas o nag ingay man lang sa loob kaya kumatok pako, nang wala talagang nagbukas ay binalingan ko na sila Ashley.
"Wala eh." sabi ko kina Ashley.
"Katok ka pa ng mas malakas para mas marinig." sabi ni Ashley.
"Sige." tapos kinatok ko ng kinatok hanggang sa may nagsalita sa likuran namin."Wala si Headmaster. On leave pa." sabi ng isang maliit na boses. We were then caught off guard sa anyo ng nagsalita. Isang batang lalaki na hanggang bewang ko lang ang height. He's peeking over the mountain of files on his hand. He has chocolate brown hair and a bigger eyeglasses- almost covering half of his face.
Wow. I haven't seen any child as gorgeous as this one before.Well, except from TV's. Ang gwapo ng batang 'to! He could have made it into Hollywood but other than the face of this kid, there's something odd about him. Something about the way his eyes glint like an adult is really weird.
"Excuse me." sabi nung bata. Agad din naman kaming pumagilid at namamanghang tumitig sa bata.
"Let me help you." sabi ko dun sa bata tsaka ko kinuha yung mga papel na hawak niya.
"Thank you." sabi niya. Agad naman nyang tinungo yung pinto para buksan to. Lumikha iyon ng mahinang tunog.
"Pasok muna kayo. Ako muna ang kakausap sa inyo." I'm impressed. Ang fluent niya kahit na bata pa. Hindi siya bungal magsalita. Pagpasok namin sa loob ng office ng headmaster, may malaking kama, antiques na nakapaligid, tsaka elegante ang theme color sa loob ngunit ang mas nakakatawag pansin ay yung table na parang dragon yung form.
It's a bluish white dragon. Sa mukha ng dragon ay masasabing parang natutulog ang dragon sa ilalim ng table na sa palagay ko ay table ng headmaster. The craftsmanship is noteworthy.
"Anong kailangan niyo?" tanong ng bata. nakapwesto na pala siya sa kanyang mini table sa gilid. Ang dami naman atang papel na nakapalibot? secretary ba sya? ang bata bata pa niya.
"Ah kailangan naming makausap ang Headmaster para sa isang importanteng bagay." si Kayle na ang sumagot.
"Wala kasi sya ngayon eh. On vacation kasi siya. Ako muna ang incharge dito. So, Tungkol saan yun?"
"Tungkol kasi sa kanya." sabay turo sakin ni Ashley.
Bigla naman akong kinabahan. Baka kasi mauwi sa hindi magandang usapan at gawin nila akong palaka o baka gawin nila akong isang nakakatakot na halimaw and I cannot imagine myself being like that.
"Oh I see. So?" ang sabi nung Bata.
"Kasi ganito kasi yan. Yung ano... Mali kasi...ang..." Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nautal at hindi ko na mapagtanto kung anong sasabihin ko. Bumabalik na ata ang tensiyon sa katawan ko.
Why am I even nervous? Maybe the look the child was giving me? nakaka-intimidate ang presence ng bata. Bata pa ganito na paano pa kaya kung lumaki na'to at tumanda?
Hindi na magkamayaw ang dila ko dahil hindi ko na alam kung pano sisimulan ang pagpapaliwanag.
"Kasi..." Lumingon ako kila Ashley pero katulad ko rin, di rin nila alam ang sasabihin nila. Speechless. Ni hindi nga makatingin sakin.
"Go ahead Ms. Rij say it." sabi niya na parang mas matanda pa sa amin. Wait what? Tama ba rinig ko? Ms. Rij daw, papanong-tumingin ako dun sa bata. Katulad din ba siya nung Seb? Isang mind reader?
"Papangunahan na kita. You thought you were sent here by mistake, tama ba? At pumunta kayo dito para kausapin ang headmaster na pauwiin ka nalang diba? But unfortunately, wala si headmaster kaya ako ang nakaka-usap niyo ngayon. So ngayon, ang sagot sa gusto mong mangyari ay hindi pwede. Alam mo kung bakit?" tanong niya pero di siya nakakuha ng sagot sa akin dahil nakatulala lamang ako sa kanya. Halos lumuwa na nga mata ko. Pano niya nalaman?!
"There's this strict rule in the Academy. It is written on the handbook that shall be given to you later. Nakasaad doon na kung sino mang makakapasok dito at malaman ang kung anong meron sa eskwelahan nato ay di na maaaring lumabas. Liban nalang kung may pahintulot galing sa headmaster kaya sa madaling salita dito kana muna lalagi hanggang sa makabalik si Headmaster. I cannot decide your fate for now Ms. Rij."
"Hindi pwede. I want out." To say I was only shocked was an understatement. It was at that moment na alam kong mahihirapan talaga akong makalabas and I'm doomed.
"Either you like it or not Ms. Rij. Now, If you excuse me. Marami pa akong kailangang gawin. By the way, in case you're wondering, I'm Cielo at mukhang madalas na tayong magkikita ngayon Ms. Gillo, Ms. Dizon and you- Ms. Rij." sabi nung bata saka sumilay ang makahulugang ngiti sa labi niya.
"Go ahead. Enjoy your stay here and don't forget those." sabay turo sa mga bagay na kanina niya pa pala inilatag sa mesa niya. Those were handbook and basic classroom needs like notebooks and pens.
Why do I get this feeling that I've been setup? They are too prepared for their own good and it is frustrating!
"Patay." Ashley.
"Ano nga ba ulit yung Plan B?" sabi ni Kayle.
"Ang tanong may Plan B ba?" nanghihinang tanong ko nalang. I knew it, minsan hindi nanloloko ang movies.***
Nang tuluyan ng makalabas ang tatlo, naiwan namang nakaupo ang batang lalaki sa kanyang pwesto. Napabuntong hininga na lamang sya sa nangyari.
"I'm impressed Anicelo." Biglang saad ng baritonong boses sa di kalayuan.
"You should be. Ang hirap harapin ang mga batang iyon." sagot naman niya.
"Wala akong nakikitang bakas ng paghihirap." Saka mahinang tumawa ang nakatatandang lalaki. Tiningnan naman sya ng matalim ng bata.
"On vacation huh." mapang-uyam na banggit ni Cielo. "Lame." At sa pagkakataong ito'y tumawa na ng malakas ang nakakatandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...