Lost Academy 3: Kuya!

235K 6.4K 665
                                    

CHAPTER 3: KUYA!

[ASPER]

"Asper. Wake up." Agad akong napabalikwas ng bangon nang magising ako.

"Huwag kayong lumapit sa akin." takot na saad ko habang pilit na isinisiksik ang sarili sa pinakamalayong parte ng kwarto sa kanila.

"Asper. Makinig ka na muna sa amin. Please?" pakiusap ni Kayle habang unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Ano ba talaga kayo? Sino kayo?" Mas lalo ko pang isiniksik yung sarili ko sa pader.

"Ipapaliwanag namin sa'yo ng maigi kaya kumalma ka muna. We're people too you know. Ang pinagkaiba lang ay may kakayahan kami. Kaya please pakinggan mo muna ang side namin. Tutulungan ka naming makaalis dito kung hihinahon ka at makikinig." Takot man ay pinilit ko pa ring maipakalma ang sarili ko.

        She made sense. There's no way na makakaalis ako rito kung walang tutulong sakin. I want out and the only option I have right now is to trust Kayle's words because they look less harmless at alam nila ang sitwasyon ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang hinihintay na kumalma ang kumakabog kong puso. Nang bahagyang humupa ang nararamdaman kong samu't saring emosyon ay idinilat ko na ang aking mga mata upang tingnan sila ng diretso.

"Explain." I'm scared pero kailangan ko munang pakinggan side nila.

"Bago ang lahat, ako nga pala si Ashley Gillo. Karoommate ni Kayle. There's no need to worry, I really don't bite kaya relax ka lang." Sa sobrang panic ko kanina ay hindi ko na napansin ang kabuuan ng kaibigan ni Kayle.

       Ashley has an elbow-length straight dirty blonde hair, bright round eyes, a bit taller than Kayle and has a boyish look. If Kayle is the refined one then Ashley is the rowdy one. "And I swear hindi talaga ako asong ulol."

"Asper. Hindi ko alam kung paano ka napunta rito but this is not the Moon's Academy na sinasabi mo. As you know, both Ashley and I has that power and we called that Ability. I have the ability called Ghost. I can pass through things and make things invisible while Ashley has the ability called Levitate, nagagawa niyang mapalutang sa ere ang ano mang bagay na mahawakan niya. Having these ability is quite normal around here and I never heard of anyone not knowing anything about it." Normal? Paanong naging normal?

"Mahirap mang paniwalaan but that is a fact."

"Sino ba talaga kayo?"

"We are called ability users." then she proceeded to explain everything. Hearing more from her made me feel a lot of emotions in just a couple of minutes. From shock to disbelief then acceptance to excitement.

Ability users, in other words, are individuals who practices the source. According to Kayle, lahat ng tao ay may sariling source.

       Source is the term used to refer to the individual's magical potential. It is like a ball of light inside a person that attracts magical fragments from the environment. Kapag nakastore na ang source ng enough na magical fragments, that's the time na pwede ng gumamit ng Ability as an output of the source.

"Wow." Tulalang tulala ako habang nakikinig kay Kayle. Sino ba naman kasing mag aakala na ganito pala ang eskwelahang ito.

Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman. Magagalit ba, iiyak ba, matatakot. Masyado kasing information overload. Naooverwhelm ako sa nalalaman. Sa fairytales lang ang may ganitong kwento at setup. This defies common sense.

Wala sa totoong buhay ito but what can I do, nasa harap ko na ang ebidensya. Hindi ako makahanap ng rason para hindi paniwalaan ang nakikita ko. I should be shivering from fear right now pero hindi ko na magawa.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon