Chapter 17: Time Phantom
Pano na? Ano nang gagawin ko? May magic word ba na kailangan sabihin para bumalik lahat sa normal? Nakakatanga kasing tingnan ang mga tao dito. Itong lalaki kasi sa harapan ko, parang natatae na ewan nakakanganga pa ang bibig niya tapos parang may hawak na malaking ball of energy sa kanang kamay na sigurado akong kung nagkataon mang hindi sya nafreeze ay direkta itong tatama sakin. Mabuti nalang talaga, inches nalang kasi ang layo ng kamay niya sa mukha ko. Nilingon ko ang ibang estudyante. Halos parepareho lang din ang reaksyon nila, si Kayle, Ashley, Nikki, kinakabahan silang nakatingin sa direksyon ko, sila Ma'am, Ella, at yung isa pa nilang kasama ay parang may sinisigaw.
Teka bakit ako lang yata ang di apektado?! Bakit ako lang ang gumagalaw dito?! Baka mamaya niyan, napasa-ilalim nako sa isang Ilusyon, marami pa namang ganon dito. Nakakatakot isipin, to think na parang statwa ang lahat tsaka halos nakatingin pa sakin. Ewan ko ba kung bakit nagkaganito nalang bigla, ang gulo ng isip ko di ko maexplain kung ano ba dapat ang irereact ko ngayon pero sa pagtingin tingin ko sa paligid may napansin akong isang taong nawawala, eh kanina andito lang sya ah.
"Asan si-" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko bigla nalang may nagsalita sa likuran ko.
"Asper." sabi ng isang boses lalaki pero bakit parang pamilyar? Pamilyar talaga ang boses. Nilingon ko na ang nagsalita sa likuran ko, sa pagharap ko di ko nakilala ang tao..
Isang lalaki na sa palagay ko'y bata pa, mga 20+ or something di naman kasi mukhang matanda ang lalaki. Naka suot siya ng all-black tuxedo tapos may white gloves at silver mask, hindi yung mask na mata lang ang natatakpan, yung sa kanya kakaiba, parang Silver Crescent Moon ang style ng mask kita ang kabilang part ng mukha niya pero di sapat yun para makilala ko sya ng tuluyan tsaka kakaiba rin ang mata niya,Golden ang kulay ng mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan pero kahit na ngayon lang ako nakakita ng taong may gold na mata di parin nawawala sa kin ang pagkapamilyar sa hubog at dating ng taong nasa harap ko di ko lang maisip kung sino, basta ang feeling ko kilala ko sya.
"S-sino ka?! I-ikaw ba ang may kagagawan kung bakit sila nagkaganito?" alanganing tanong ko. Aba ikaw ba namang makaharapan ang isang misteryosong lalaki tapos di ka sigurado kung mabait ba o kung sasaktan ka, syempre mag-aalanganin kang kausapin ito. Bumuntong hininga lang sya."nagpakita lamang ako para maghatid ng mensahe." sabi niya.
"s-sana tinext mo lang, nag-effort ka pa tuloy ng costume. a-ha-ha-ha" pabiro ngunit kinakabahang sabi ko kahit wala naman talaga akong cellphone, para atleast man lang mabawasan ang kaba ko. Di man lang siya natawa, di din sya nagsalita. Ang awkward lang ah, para akong timang na pilit tumatawa mag-isa pero takte lang! Puro kaba nalang binibigay ng araw na'to sakin ah, namumuro na.
"Ha-ha, nakakatawa." pilosopong sabi niya. Akala ko ba, ang ganitong klase nang tao ay katulad ng mga napapanood ko na seryoso ang dating tapos magsasalita ng mga malalalim na salita na di halos maintindihan sa sobrang lalim ng ibig-sabihin, ibang klase din itong tuxedo man na'to ah, batang bata kung makipag-usap, akalain mong alam niya rin ang pangalan ko?
"Eh ano bang gusto mong sabihin? At tsaka kung ikaw man ang may gawa nito. Please. Ibalik mo na sila." sabi ko na medyo nabawasan na ang kaba. Nakakatakot pa rin isipin no, na halos lahat ng kaibigan mo ay na-statwa nalang bigla.
"Kita mo yung Orasan na yun?" sabi niya sabay turo sa tore ng malaking orasan sa eskwelahan. Tiningnan ko naman ang orasan pero saglit lang kasi binalik ko agad ang tingin ko sa kanya.
"Oh?"
"Di gagalaw yan kung walang magpapagalaw." sabi niya.
"Alam ko." plain na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...